Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jake, other ‘That’s’ talents no show sa birthday bash ni Kuya Germs

Jake, other ‘That’s’ talents no show sa birthday bash ni Kuya Germs

GERMAN Moreno

KINARIR talaga ni Federico Moreno ang surprise birthday celebration para sa kanyang papa German Moreno na ginanap sa Sampaguita Gardens noong Oct. 4.

Overwhelmed si Kuya Germs dahil aniya, ’andun ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya, sa pangunguna ng anak niyang si Federico and his family, mga kamag-anak, showbiz and non-showbiz friends at entertainment press.

’Andun sina Manila Mayor Joseph Estrada, Vice Mayor Isko Moreno, Susan Roces, Eddie Gutierrez, Gloria Romero, Annabelle Rama, Robert Arevalo, Barbara Perez, Pempe Rodrigo, Anthony Castelo, Dinah Dominguez, Sharmaine Santiago, Mother Lily Monteverde, Lilibeth Nakpil, Manay Ichu Maceda, Lani Mercado, Ken Chan, Marlo Mortel, Boy Alano, Shalala, ang GMA bosses na sina Anette Gozon, Redgie Magno, Lilybeth Rasonable, Tracy Garcia, “Asia’s Got Talent” finalist na si Gerphil Flores at ibang talents ni Kuya Germs sa “Walang Tulugan with the Master Showman.”

Sa mga dating miyembro ng “That’s Entertainment,” si Tina Paner lang ang nakita namin. Nasaan kaya ’yung iba?

No show rin si Jake Vargas. Why o why kaya?

In any case, labis na ikinatuwa at teary-eyed si Kuya Germs nang kantahan siya ng mga apo niya (mga anak nina Federico at Shiela). Tahimik ang lahat nang kumanta si Gerphil Flores. Ang galing-galing niya. Balita namin, magiging Kapuso na rin siya.

Month-long ang birthday celebration ni Kuya Germs sa “Walang Tulugan with the Master Showman” na napapanood late Saturday night sa GMA7. Happy Birthday, Kuya Germs!

Walang nag-influence

First cousin ng magkapatid na Bubbles at Paolo Paraiso si Avery Paraiso na kasama sa “Starstruck” Final 14. Avery is 20 years old, commercial model. Ilan sa mga ginawa niya’y Oishi, Bravo, KitKat chocolates.

Ayon kay Paolo, sariling kagustuhan niya ang mag-audition sa “Starstruck 6” at hindi siya na-influence ng mga pinsan niya. Gusto niya talagang mag-artista at umaasa siyang magiging stepping stone niya ang pagkasama niya sa SS Final 14.

“It’s a long and amazing journey,” ani Avery.

Biritera

Biritera naman from Laguna si Koreen Medina, 20, na kasama rin sa “Starstruck” Final 14. Six years old pa lang siya’y sumasali na siya sa mga amateur singing contest.

Third runner-up si Koreen sa Mutya ng Pilipinas 2013 at tinanghal din siyang Miss Continental.

Gustong patunayan

Kasama rin sa “Starstruck” Final 14 si Kevin Sagra, 20, from South Cotabato. Marami na siyang sinalihang auditions at sinuwerte siya sa “Starstruck 6.”

Third year college si Kevin sa kursong BSBA (Bachelor of Science in Business Administration). Pansamantala siyang huminto sa pag-aaral noong nag-audition siya sa “Starstruck 6.”

Ani Kevin, gusto niyang patunayang hindi hanggang pangarap lang na maging boy next door ang image niya. “I’ll do my best. Love ko talaga mag-perform and to entertain people,” he said.

Naaliw nga ang entertainment press kay Kevin sa mga sagot niya noong ipakilala ang “Starstruck” Final 14. Marami rin ang na-cute-an sa kanya.

At an early age, natutong maging independent si Kevin.

comments