Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » LizQuen out, KimXi in

LizQuen out, KimXi in

XIAN Lim and Kim Chiu

SUCCESSFUL ang opening ceremony ng 2nd Quezon City Pink International Film Festival (QCPIFF) na ginanap noong Oct. 6 sa Cinema 1, Gateway Mall, Cubao, QC. Well-attended ang naturang event na dinaluhan ni Councilor Mayen Juico, Nick de Ocampo (festival director), mga bumubuo ng QC Pride Council, Eugene “Toto” Villareal (MTRCB chairman), LGBT community, foreign and local film producers and directors.

Hindi nakarating sina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte na supporters ng festival dahil may biglaang appointments ang mga ito. Nevertheless, matagumpay at maayos nairaos ang opening ceremony.

Opening film ang “Dressed As a Girl,” hottest LGBT film sa ongoing QCPIFF. Mga prizewinning films mula sa Berlin Film Festival (Teddy section) ang entries. Tatagal hanggang October 11 ang festival. Bahagi ito ng Diamond Jubilee celebration ng Quezon City.

Ipapalabas din sa iba’t ibang barangay sa QC ang mga pelikulang kasali sa QCPIFF. Layunin ng festival na mag-create ng awareness sa pantay-pantay na karapatan ng lahat ng tao, regardless ng kasarian.

Nakatakda namang pirmahan ni Mayor Herbert Bautista ngayong October ang Gender Fair Ordinance, authored by Councilor Mayen Juico.

Tapatan ng mga love team

Out na ang LizQuen love team nina Liza Soberano at Enrique Gil sa movie ni Kris Aquino sa 2015 Metro Manila Film Festival. Pasok naman ang KimXi love team nina Kim Chiu at Xian Lim.

Hindi kaya dahil mas close si Kris kay Kim, kaya isinama sila ni Xian sa movie? Madalas mag-guest si Kim sa “Kris TV,” kaya naging malapit sila sa isa’t isa. Parang kapatid ang turing ni Kris kay Kim.

“All You Need is Pag-ibig” na nga kaya ang final title? Una’y “Mr. & Mrs. Split” na naging “Pamilyang Lab, Luv, Love.” Idinagdag din sa cast si Derek Ramsay. Kasama pa rin kaya si Mayor Herbert Bautista?

Ang KimXi love team ang pantapat sa AlDub love team nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) sa festival movie nina Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas na “Pabebe Love.” Ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) love team naman ang kasama sa entry nina Coco Martin at Vice Ganda.

Naiba

Naiba yata ang karakter ni Megan Young sa “Marimar.” Sabi niya noong presscon, isang palaban na Marimar ang mapapanood. Hindi nagpapaapi. Eh, bakit sa napapanood naming Marimar, pumapayag siyang saktan at apihin nina Angelika (Jaclyn Jose) at Antonia (Lauren Young)? Ang sarap sampal-sampalin at sabunutan ng mga ito.

Anyway, paano na kaya ang magiging buhay ni Marimar ngayong wala na ang kanyang Lola Cruz (Nova Villa) at Lolo Pancho (Tommy Abuel)? Namatay sila sa sunog sa kagagawan ni Nicandro (Dion Ignacio). Kailan kaya magkikita at magkakausap sina Marimar at Sergio (Tom Rodriguez)?

Sobrang bait

Nakakainis at nakakaawa naman ang karakter ni Ken Chan bilang Joey sa “Destiny Rose.” Sobrang bait na hinahayaan niyang saktan at apihin siya ni Jasmine (Katrina Halili). Sa pagkakaalam namin, palaban at matataray ang mga bading.

Mamaya sa “Destiny Rose,” ikukulong nina Jasmine at Lance (JC Tiuseco) si Joey sa isang bodega. Muntik nang mahuli ni Gabriele (Fabio Ide) sina Jasmine at Lance na naghahalikan. Susumbatan ni Joey si Jasmine sa ginawa nito sa kanya. Sasakalin siya ni Jasmine.

comments