FINAL na kaya ang desisyon ni Kris Aquino na hindi na niya gagawin ang “All You Need is Pag-ibig”? Entry ito sa 2015 Metro Manila Film Festival.
Hindi raw kasi pwede ang cinematographer na gusto niyang makatrabaho sa naturang pelikula dahil sa conflict of schedule. Ang babaw naman yata nu’n.
Ayon pa kay Kris, hindi siya emotionally, physically, and mentally ready. Nag-sorry siya kay Malou Santos ng Star Cinema sa stress na ibinigay niya, sa nasayang na maraming oras at effort sa pagbuo nila ng proyekto.
May pinagdaraanan kaya si Kris, kaya ayaw na niyang gawin ang festival movie niya? Hindi kaya magbago ang desisyon niya at mag-post siya sa kanyang social media account na gagawin na niya ang pelikula?
Urong-sulong din siya noon kung gagawin o hindi ang “Etiquette for Mistresses.”
Ituloy pa kayang gawin ng Star Cinema ang “All You Need is Pag-ibig?” Sino naman kaya ang ipapalit kay Kris, sakaling ayaw na niya talaga?
Great love
Si Anne Curtis ang great love ni Sam Milby. ’Yun ang sinabi niya sa “Tonight with Boy Abunda.” Kaya pala after they broke up six years ago ay wala pang girlfriend si Sam.
We hate to think na hindi pa totally nakaka-move on si Sam, samantalang happy na si Anne sa boyfriend niyang si Erwan Heussaff.
Sino naman kaya ang isa pang ex-showbiz girlfriend ni Sam? Si Jessy Mendiola kaya ’yun? At sino kaya sa dalawang ex-showbiz GFs ni Sam ang sinabi niyang nang-iwan sa kanya?
Sabi pa ni Sam, personal differences ang dahilan ng break-up nila. Si Anne kaya ’yun o ’yung isang ex-showbiz GF niya?
Sabi pa ni Sam, gusto niyang ipaglaban ang kanilang relasyon. Pero dahil sa pride or ego thing, hindi niya ginawa.
Aniya pa, nasasaktan siya kapag nakikita niyang masaya ang kanyang ex. Ikaw ba ’yun, Anne?
Si KC Concepcion naman ang great crush ni Sam. Pero hindi niya ito niligawan dahil naging friends sila. Sobrang bait daw ni KC at ayaw niyang masira ang kanilang friendship kung liligawan niya ang singer-actress.
Si Jennylyn Mercado ang leading lady ni Sam sa “The PreNup” at aniya, ideal woman ito. But he’s not courting her.
“But there’s a possibility in the future,” pahiwatig ni Sam.
Dahil kaya knows niyang may Dennis Trillo pa si Jen? Asa pa kaya si Sam na baka mag-break ang dalawa? Wala naming inaamin sina Dennis at Jen na officially nagkabalikan sila.
By the way, showing on Oct. 14 ang “The PreNup” na prodyus ng Regal Entertainment.
Concert series
Mamayang gabi na ang simula ng concert series ni Gloc-9 sa Music Museum. Billed “Ang Kwentong Makata: Gloc-9 Live!”
guests sina Aiza Seguerra, Bamboo, Jay Durias, Jennylyn Mercado, Kylie Padilla at Marc Abaya.
Four Saturdays ang concert series ni Gloc-9 at sa Oct. 17, guests sina Chito Miranda, Ebe Dancel, Janno Gibbs, Jonalyn Viray at Rico Blanco.
Sa Oct. 24, guests sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Jolina Magdangal, Yeng Constantino at Ebe Dancel (uli).
Sa Oct. 31, sina Julie Anne San Jose, KZ Tandingan, Ebe Dancel at Jay Durias ang guests. Regular guests sina Maya, Migz Haleco, Reese at Rochelle Pangilinan.