Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Maja and Kim working at restoring friendship

Maja and Kim working at restoring friendship

MAJA Salvador

UNTI-UNTI nang nabubuo ang nasirang friendship nila ni Kim Chiu, ayon kay Maja Salvador sa interbyu sa kanya ni Boy Abunda sa “Tonight with Boy Abunda.” Si Gerald Anderson ang dahilan ng falling-out nina Maja at Kim.

Ayon kay Maja, may mga bagay-bagay na silang dalawa lang ni Kim ang nakakaalam. Masaya siya na okey na sila ngayon at pabalik na muli ang friendship nila ni Kim.

Nakakandado pa rin ang puso niya, ani Maja matapos silang mag-break ni Gerald. Okey naman sa kanya na maging friends sila dahil mabuting tao si Gerald, ani Maja. Nagbabatian daw sila at nagbebeso kapag nagkikita sila.

Nilinaw rin ni Maja ang isyu na ayaw sa kanya ng mommy ni Gerald. She calls her Tita Vangie.

Ayon sa Kapamilya star, noong nag-uumpisa pa lang ang kanilang relasyon, nagpaka-nanay lang ang mommy ni Gerald dahil sobrang mahal nito ang anak at maalaga ito kay Gerald. Naintindihan niya ang mommy ni Gerald kung gano’n ang attitude nito towards her.

Ayon kay Maja, may mga bagay na hindi detalyado. Aniya, ipinaramdam naman sa kanya ng mommy ni Gerald na mahal din siya nito. Inalagaan din siya nito. So, there!

Lalaking walang pahinga

Ilang araw wala si Alden Richards sa “Eat Bulaga,” kaya sobrang na-miss siya ng mga sumusubaybay sa AlDub kalyeserye. Sobrang hectic kasi ang schedule ng busiest Kapuso actor.

May mga out-of-town shows at nagsu-shoot pa si Alden ng MMFF movie, “My BebeLove(#Kilig Pa More)” topbilled by Vic Sotto and Ai-Ai de las Alas. May show pa sila ni Ai-Ai sa Japan para sa Kapuso Pinoy show ngayong Linggo kasama si Aicelle Santos.

Si Alden ang lalaking walang pahinga. Strike while the iron is hot, ’ika nga. Pero baka naman magkasakit siya. Remember, health is wealth.

Panay ang ipon ni Alden dahil gusto niyang magpatayo ng apartments somewhere in Laguna, malapit sa mga factory at restaurants. At least nga naman, ’yung mga trabahador na malalayo ang inuuwian, pwedeng mangupahan sa ipapatayo niyang apartments na aniya’y affordable ang upa.

B-day gift

Sa Jan. 4, 2016 ang 18th birthday ni Liza Soberano. Pero aniya, ayaw niya ng bonggang debut party. Mas gusto niyang mag-travel abroad.
How true, ang birthday gift sa kanya ni Enrique Gil ay trip to Europe? Dadalhin daw ni Enrique si Liza sa Disneyland sa Europe. Hindi pa kasi nakakapunta roon si Liza.
How true, mag-on na sina Liza at Enrique? Inililihim lang daw ng dalawa. Hindi kaya hinihintay lang nilang mag-18 years old si Liza at saka sila aamin? Abang-abang nalang pag may time.

Kapuso mall shows

Abangan ngayong Linggo (Oct. 11) at Lunes (Oct.12) ang mga Kapuso stars sa Bacolod. Kaugnay ito ng MassKara Festival ng City of Smiles, Negros Occidental.
Ngayong Linggo, magso-show sina Lovi Poe , Benjamin Alves, Ken Chan at Fabio Ide sa SM City Bacolod Main Atrium at 5 p.m.
Bukas naman, sina Julie Anne San Jose, Julian Trono at Jake Vargas ang magpe-perform sa SM City Bacolod Main Atrium at 5 p.m.
Sugod na mga Kapuso!

comments