Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bistek vs Tetay: Who’s telling the truth?

Bistek vs Tetay: Who’s telling the truth?

JENNYLYN Mercado

SINO kaya ang nagsisinungaling at sino ang nagsasabi ng totoo kina Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino? Sabi ni Mayor HB sa isang interbyu, gusto raw ni Kris na mag-seek siya ng reelection. Pero kung kakandidato siyang senador, susuportahan din siya ni Kris.

Sabi ni Mayor HB, mas gusto niyang tapusin ang kanyang termino bilang mayor ng QC kesa kumandidatong senador. Third term na niya at gusto niyang ipagpatuloy pa ang mga project niya para sa QC.

Sa post naman ni Kris sa kanyang Instagram account, last December ay sinabi raw ni Mayor HB kay PNoy na isama siya sa senate slate ng Liberal Party.

Itinanggi ni Kris na sinabi niya kay Mayor HB na mag-seek ito ng third term bilang mayor ng QC. Hindi raw niya ito pwedeng maimpluwensiyahan sa decision-making.

Sabi na nga ba, may ibang dahilan kung bakit ayaw nang gawin ni Kris ang festival movie nila ni Mayor HB. May kinalaman sa pinagdaraanan nilang relasyon.

Ang babaw naman kasi kung dahil lang hindi pwede ang cinematographer na gustong makatrabaho ni Kris, kaya ayaw na niyang gawin ang “All You Need is Pag-ibig.”

Buwis-buhay

Grabe talaga si Paolo Ballesteros sa buwis-buhay niyang performance sa grand finals ng “Bulaga Pa More!” ng “Eat Bulaga.” Karir kung karir talaga ang ginawa niya.

Isang pagkakamali lang niya noong naglambitin siya sa ere at kung sumablay ang panaling sumapo sa mukha niya, tigok si Paolo kung sumabit ’yun sa leeg niya. Para siyang nagpakamatay.

Halata sa mukha ng mga dabarkads ni Paolo, pati ng mga judge na sina Mike Enriquez, Jessica Soho at Jennylyn Mercado ang takot, kaba at pagkagulat sa death-defying performance ni Paolo.

Win siya ng R500,000, pero hindi sa kanya mapupunta ang pera. Ilalaan ’yun sa pagpapatayo ng classrooms ng eskuwelahan na choice ni Paolo. ’Buti na lang, hindi sa kanyang funeral (knock on wood) kung sumablay sa ere si Paolo. Anyway, congratulations, Paolo.

Isyu

’Buti na lang win si Paolo Ballesteros sa “Bulaga Pa More!” Taklesa si Jennylyn Mercado nang sabihin niyang solved na siya kay Paolo at para sa kanya, ito na ang panalo. Eh, katatapos lang ng performance ni Ruby Rodriguez na buwis-buhay rin ang ginawa.

Tinanong si Jen kung ano’ng masasabi niya sa performances nina Paolo at Ruby. Si Paolo lang ang binanggit ni Jen.
By the way, naging isyu ang hanggang ngayon ay na kay Jen pa ang trophy ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano.

Nadiskubre ’yun nang interbyuhin ni Kris Aquino si Jen sa house niya para sa “Kris TV” para sa promotion ng “The PreNup.”
Napanalunan ni Luis ang trophy sa isang award-giving body na hindi siya nakarating sa awards night.

Kay Jen ipinadala dahil at that time ay together pa sila ni Luis. Noong nag-break sila, hindi na naipadala ni Jen ang trophy sa bahay ni Luis dahil naging sobrang busy na siya, ayon kay Jen. Ang babaw naman yata nu’n.

Matagal na silang break, nagbalikan na sina Luis at Angel Locsin, Jen at Dennis Trillo (ayaw pa lang nilang umamin), wala ba talagang time si Jen ipadala ang trophy kay Luis? Ayaw ni Angel Locsin ng ganyan!

comments