Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Paolo Contis and LJ Reyes mum about special ties

Paolo Contis and LJ Reyes mum about special ties

LJ Reyes

PINAPAHALAGAHAN pa rin ni Dingdong Dantes ang friendship na nabuo sa grupo nilang Abztract dancers. Kamakailan ay nag-reunion sila bilang celebration ng 20 years ng pagiging magkakaibigan nila.

Nagsimula si Dingdong bilang dancer ng naturang grupo. Malayo na ang narating niya; ngayon ay Kapuso Primetime King na siya.

Sa kabila ng kanyang stature sa showbiz, never niyang kinalimutan o tinalikuran ang mga kaibigan niya sa Abztract dancers. Nananatiling mapagkumbaba si Dingdong at kayang-kaya pa rin siyang abutin ng mga kaibigan niya (old and new).

Next month ay magiging certified daddy na si Dingdong at sobrang excited na siyang makita ang first baby nila ni Marian Rivera. She’s due to give birth on the third or last week of November. Maria Letizia ang name ng kanilang baby.

Pinagtalunan

Ang mga kapatid ni Jaya at mga kapatid ng kanyang mama Beth ang nasunod na ipalibing si Elizabeth Ramsey. Inihatid ito sa kanyang huling hantungan sa Holy Gardens Valley Memorial Park sa Sumulong Highway, Antipolo City noong Martes (Oct. 13).

Gusto sana ni Jaya na ipa-cremate ang kanyang mama Beth. Siya ang nag-alaga noong nagkasakit ito hanggang namatay.

Si Jaya rin ang nangasiwa at nag-asikaso sa burol ng kanyang nanay.

Nang dumating ang mga kapatid niya at ilang kamag-anak galing sa United States, nagkaroon sila ng pagtatalo kung ipapa-cremate ba o ipapalibing si Elizabeth. Ayon sa isang anak ng komedyana, takot sa sunog ang kanilang mama Beth, kaya ayaw nitong magpa-cremate kapag namatay.

May tsika pang diumano’y nag-walkout si Jaya noong huling gabi ng burol ng kanyang mama Beth sa St. Peter’s Chapel sa Tandang Sora, QC.

Pabalik na ngayong Sabado ang mga kapatid ni Jaya sa US at sana’y magkaayos na silang magkakapatid para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng kanilang mama Beth.

May something

Ayaw pa ring umamin nina Paolo Contis at LJ Reyes na may “something” between them. May mga sighting sa kanilang dalawa na ayon sa mga nakakakita, obvious na more than friends ang namamagitan sa kanila.

Si JC de Vera ang huling na-link kay LJ. Ayaw rin nilang umamin noon, pero kalaunan ay nagpahayag silang pareho na sila ang nag-desisyon na huwag nang ipagpatuloy kung anuman ang namamagitan sa kanila. Kesyo, gusto raw muna nilang mag-focus sa kanilang respective careers.

Nagkatrabaho sina Paolo at LJ sa isang afternoon drama ng GMA7 at doon nagkalapit ang kanilang mga loob. Pareho silang may anak sa respective ex-partners nila.

May isang anak si LJ kay Paulo Avelino, dalawa naman ang anak ni Paolo sa ex-wife niyang si Lian Paz.

Ikampanya kaya?

Ikampanya rin kaya ni Angel Locsin ang future father-in-law niyang si Edu Manzano na kandidato bilang senador sa May 2016 elections?

andidato rin bilang senador ang pinsan ng daddy ni Angel na si Bayan Party List Representative Neri Colmenares. Sinamahan pa ito ni Angel noong nag-file ito ng certificate of candidacy (CoC) sa Comelec.

Magkaiba ng partido sina Manzano at Colmenares. Paano kung magkasabay ng campaign rally ang dalawa? Sino kaya ang priority ni Angel?

Running for congress naman sa lone district ng Lipa City, Batangas ang future mother-in-law ni Angel na si Governor Vilma Santos-Recto. Mukhang magiging abala si Angel sa pangangampanya para sa May 2016 elections. Sey mo, Luis Manzano?

comments