Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Chiz-Heart friendship with Miriam at stake

Chiz-Heart friendship with Miriam at stake

Heart Evangelista

HINDI kaya naguguluhan ngayon si Heart Evangelista kung sino ang susuportahan niyang presidential candidate dahil tatakbo rin si Senator Miriam Santiago? Makakalaban nito si Senator Grace Poe na ang running mate ay si Senator Chiz Escudero.

Parehong kaibigan ni Sen. Miriam sina Sen. Chiz at Heart. Nagsilbi pa siyang Cupid sa dalawa. Siya ang nagpakilala kina Sen. Chiz at Heart. Naging match maker siya sa mga ito hanggang naging mag-asawa. Kung tama kami, isa pa siya sa mga ninang sa kasal nina Sen. Chiz at Heart.

Naging friend naman ni Sen. Chiz si Sen. Grace dahil kaibigan niya ang yumaong adoptive father nito, ang Action King na si Fernando Poe, Jr. Si Sen. Chiz ang naging spokesperson ni FPJ noong tumakbo itong presidente in 2004 elections.

Sa pulitika, may mga magkakapamilya at magkakamag-anak na nagkakawatak-watak dahil may kanya-kanya silang kandidato. May mga nasisirang friendship. Mangyari kaya ito kina Sen. Miriam, Sen. Chiz at Heart?

Lilipat na?

Tapos na ang kontrata ni Elmo Magalona sa GMA7 and how true, lilipat na siya sa ibang network? “More Than Words” ang huling teleserye ni Elmo sa Kapuso Network with his real-life girlfriend na si Janine Gutierrez. May bagong project si Janine, ”Dangwa” na mapapanood na this month.

Ang mommy Pia Magalona niya ang manager ni Elmo. Sa isang interbyu, sinabi niyang he trusts his mom sa pagdedesisyon nito sa kanyang career. Mother knows best para kay Elmo.

So, kung lilipat siya sa ibang network, maiiwan niya si Janine sa GMA. Sayang na hindi na-push to the max ang screen love team nina Elmo at Janine.

Si Maxene Magalona ay nasa ABS-CBN na. Sundan kaya siya roon ng kapatid niyang si Elmo para maging mag-Kapamilya sila?

Pasabog

Ano naman kaya ang pasabog ng AlDub kalyeserye ngayong Sabado? Hindi nagkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) noong 13th weeksary nila. Wala si Maine, kaya sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) ang mga kasama ni Alden nag-celebrate ng weeksary nila ni Yaya Dub.

Totoo na kayang may kakaiba nang nararamdaman si Alden para kay Yaya Dub? Maine na ang tawag niya, kaya tinukso siya ni Jose. Ipinaalalang Yaya Dub ang itawag. Ibinuking pang parati raw nagkikita sina Alden at Maine.

Parami nang parami ang AlDub Nation. Global phenomenon na ito sa Twitter. Bukod sa Alden-Yaya Dub fans, may Aldenatics na solid Alden Richards, may solid Maine Mendoza.

Bukod nga pala sa parangal na ibinigay kay Maine ng Catholic Social Media Awards “for being influential in propagating Christian values to the youth,” pinarangalan din siya ng Gintong Kabataang Award sa Larangan ng Sining at Kultura dahil sa magandang impluwensiya niya sa mga kabataan.

Ang award ay ibinibigay sa mga taga-Bulacan na may magandang ehemplo sa kanyang kapuwa. Taga-Sta. Maria, Bulacan si Maine kung saan kilalang rich and famous ang kanilang pamilya. May mga gasoline station sila sa Bulacan at iba pang negosyo.

comments