Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sheena climbs mountains

Sheena climbs mountains

ella cruz

SABI ni Bret Jackson sa “Tonight with Boy Abunda,” nanliligaw pa lang siya kay Ella Cruz. Pero mukhang may “something” na sila dahil action speaks louder than words. Kilig-kiligan si Ella na halatang like (or love) rin niya si Bret.

Suot pa niya ang kuwintas na birthday gift sa kanya ni Bret. Type talaga ni Bret ang petite girls. Petite rin si Andi Eigenmann who, he said, broke his heart. Pero naka-move on na raw siya sa kanilang break-up. Pinuri pa ni Bret si Andi na aniya’y great person at great mother.

Si Ella na ang apple of the eye ngayon ni Bret. She makes him happy. They go out, pero kasama raw ang mommy ni Ella.

Ayon kay Ella, si Bret ang magiging first boyfriend niya, sakaling sagutin niya ito. Hindi pa ba?

Kilig-kiligan si Ella nang tanungin siya ni Boy kung ano kayang bagay si Bret sa kanyang kuwarto. “Bed,” ang agad na sagot ni Ella.

Loveless pa rin

Kung may love life ngayon si Aiko Melendez, ang ex-husband niyang si Jomari Yllana ay single pa rin. Five years nang walang love life ang actor. Isang foreigner ang someone special ngayon ni Aiko.

Ani Jom, focused muna siya sa trabaho at sa car racing. Nagdyo-join siya sa mga car racing competition.

Pinasok na rin ni Jom ang pulitika at kakandidato siya bilang konsehal sa Parañaque sa May 2016 elections. First time ni Jom sa political arena and if ever, palarin siyang manalo, hindi pa rin niya iiwan ang showbiz kung may magandang offer. Time management lang ’yun, aniya.

Kung kaya nga namang mag-showbiz pa rin ang ibang artistang naging pulitiko, makakaya rin ni Jom.

Namumundok

Basta walang work si Sheena Halili, ang pag-akyat sa bundok ang pinagkakaabalahan niya. Three years na niya itong ginagawa at nag-e-enjoy siya, ayon kay Sheena. Maraming lugar na siyang napuntahan sa pag-akyat niya ng iba’t ibang bundok sa Pilipinas.

Pang-alis ng stress, ayon kay Sheena. Kapag nasa itaas na raw siya ng bundok, feeling daw niya’y ang lapit-lapit niya sa langit. Heaven ang pakiramdam niya at tanggal lahat ng worries niya. Relaks na relaks siya.

Si Rica Peralejo na dating aktres at churchmate niya ang nag-influence sa kanyang umakyat ng bundok dahil stress reliever ’yun, ayon kay Sheena.

Kasama ang Kapuso actress sa “Destiny Rose” kung saan gumaganap siya bilang kapatid ni Ken Chan. Nagkahiwalay sila noong mga bata pa sila.

First time nilang magkatrabaho at close agad sila ni Ken, ani Sheena. Tinuturuan niya si Ken sa pagkilos at paglakad bilang babae. Transwoman ang role ni Ken at malapit na siyang mag-transform bilang Destiny Rose.

Nagpakalbo

Mukhang may matinding pinagdaraanan na naman si JM de Guzman. Muntik na namin siyang hindi makilala sa ipinost niyang bagong picture niya sa social media.

Kalbo si JM, hapis ang mukha at payat ang itsura niya. Naka-topless pa mandin siya. May kinalaman kaya sa kung anumang pinagdaraanan ngayon ni JM ang pagpapakalbo niya?

Sayang si JM kung hahayaan niyang masira muli ang kanyang career dahil sa pinagdaraanan na naman niya. Sayang ang second chance na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para makabalik sa showbiz.

comments