Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » AlDub is worth P1M as product endorsers

AlDub is worth P1M as product endorsers

aldub

GRABE na talaga ang AlDub fever. Sold out na ang VIP tickets para sa “Tamang Panahon” charity concert nagaganapin sa Philippine Arena sa Sta. Maria, Bulacan on Saturday (Oct. 24).

Ticket prices are P1,200, P600, P300 at P150. ’Yung pinakamahal ang unang naubos at marami pa ang naghahanap dahil gusto nilang makita nang malapitan sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).

Ang kikitain sa charity concert ay ilalaan sa pagpapagawa ng AlDub libraries sa iba’t ibang eskuwelahan sa buong bansa. Biggest event ever ito ng “Eat Bulaga” since nagsimula ang kalyeserye three months ago.

Sabi nga ni Lola Nidora (Wally Bayola), dumating na ang tamang panahon para kina Alden at Yaya Dub. Pinatunayan nila na sa kabila ng kanyang pagiging MH (malaking hadlang), hindi nila sinira ang kanyang tiwala.

Napanatili nina Alden at Maine ang malaking respeto sa kanya (Lola Nidora) at pagsunod sa magagandang aral at payo niya.

Malaking pasabog at sorpresa ang inihanda ng dabarkads ng “Eat Bulaga.” Hindi dapat palampasin ng mga tagasubaybay ang mga ito, lalo na ang pinakaaabangang kalyeserye.

In demand

May bago na namang product endorsement sina Alden Richards at Maine Mendoza. Ayon sa isang source, nirentahan ang isang events place sa QC para sa commercial shoot. Close to half-a million pesos ang rental, sa magkahiwalay pa ring shoot nina Alden at Maine.

Sa split screen pa rin sila magkikita. Kailan naman kaya ang tamang panahon para magsama sa isang screen sina Alden at Maine?

To date, ang AlDub tandem ang most-sought after product endorsers kahit sa split screen sila nagkikita. Effective naman ’yun dahil balitang malaki ang itinaas ng sales ng mga nauna nilang product endorsements.

Balita pa rin namin, hindi diumano bababa sa P1 million ang TF (talent fee) nina Alden at Maine. Kabilang na sila sa youngest millionaires ng kanilang panahon.

Dapat lang talagang samantalahin ang kasikatan ng AlDub tandem ngayon.

Nagpa-hair transplant

Aminin kaya ng isang TV personality (TVP) na nagpa-hair transplant siya? Hindi pa naman gaanong manipis ang kanyang buhok sa bandang noo, pero sumailalim siya sa ganoong procedure.

Matingnan ngang mabuti ang TVP kung kumapal na ang kanyang buhok sa ulo. Ganda-gandahan pa naman ito, lalo na’t fully made-up. Napapanood ang TVP sa isang daily show.

comments