Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Broadway producer wants to do a musical with Maine

Broadway producer wants to do a musical with Maine

aldub

HINDI lang ang AlDub Nation ang excited sa bonggang “Tamang Panahon” benefit concert, kundi ang buong dabarkads ng “Eat Bulaga,” lalo na sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).

Ilang tulog na lang at Sabado (Oct. 24) na. Magsisimula ang pre-show at 10 a.m. at ang live show ay mapapanood at 11:30 a.m.

May mga natitira pang tickets (R150). Soldout na ’yung ibang higher prices. Ayon sa EB dabarkads, regardless kung magkano ang ticket, dapat itago ’yun dahil magsisilbing alaala ’yun na naging bahagi sila ng makabuluhang event na ’yun.

Maraming mga batang estudyante ang matutulungan sa pamamagitan ng concert. Ang kikitain ay ilalaan sa pagpapagawa ng AlDub libraries sa iba’t ibang eskuwelahan nationwide.

Pansin lang namin kapag pinapanood namin ang AlDub kalyeserye, prominent ang eyebags ni Alden Richards. Maybe because, kulang siya sa tulog. Halos wala na kasi siyang pahinga dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule. But still, kinakaya pa rin ni Alden matugunan ang mga showbiz commitment niya.

Si Maine naman, tinitighiyawat na sa noo at pisngi. Mukhang wala na rin siyang oras para pumunta sa isang dermatologist. O, baka naman, ’yung mga tigidig (pimples) niya’y babala (o senyales) na in love na siya?

Sabi ni Lola Nidora (Wally Bayola), mahaba-haba pa ang lalakbayin ng AlDub. First Christmas nila, first Valentine.

“Kawawa ang kalaban,” patutsada pa ni Joey de Leon. “Kasal pa ni Bossing (Vic Sotto),” dagdag pa ni Lola Tinidora (Jose Manalo).

Interesado kay Yaya Dub

Isang Broadway producer-singer ang diumano’y gustong makilala sa personal si Maine Mendoza. Interesado itong ipag-produce si Maine ng isang musical play.

Napanood nito sa Internet ang AlDub kalyeserye at na-impress ito kay Maine. Smitten ito sa charm ng dalagang Bulakenya at Dubsmash Queen.

Nasa bansa ang naturang American producer at maganda sanang pagkakataon kung makakapanood ito ng “Tamang Panahon” concert ng AlDub at “Eat Bulaga” dabarkads this Saturday sa Philippine Arena.

Textmates

Textmates daw ngayon sina Maja Salvador at Sam Milby. Sabi na nga ba’t pang-promo lang ang sinabi ni Sam noong presscon ng “The PreNup” na posibleng ligawan niya si Jennylyn Mercado dahil tapos na ang shooting ng kanilang movie. Kesyo ayaw raw niyang isipin ng ibang tao na para lang sa promotion ng kanilang movie kung liligawan niya si Jen habang nagsu-shooting sila.

O, baka naman dahil alam ni Sam na may Dennis Trillo si Jen? Kaya hindi na niya itinuloy kung anuman ang intensiyon niya kay Jen. O, dahil may Maja Salvador pala siyang textmate? Aminin kaya ito ni Sam?

Nagkita na

Sina LJ Reyes at Carmi Martin ang mga bagong karakter sa “MariMar.” Kontrabida si LJ bilang Innocencia na bagong makakaaway ni Marimar (Megan Young).

Kapatid naman ni Mia (Alice Dixson) si Carmi bilang Ezperanza. Owners sila ng Maiden Pearls kung saan nagtatrabaho si Marimar, not knowing na si Mia ang tunay niyang ina. Hindi rin nito alam na si Marimar ang nawawalang anak na matagal na nitong ipinahahanap.

comments