Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dingdong designs baby’s room

Dingdong designs baby’s room

Dingdong Dantes

Mismong si Dingdong Dantes ang nag-design ng bedroom ng first baby nila ni Marian Rivera. Sobrang excited ang soon-to-be dad na makita na si Maria Letizia, Baby Z for short na isisilang ni Marian sa third or last week ng November.

Si Mommy Marian naman, nag-aral pa ng tamang breast-feeding for her Baby Z. Naniniwala siyang mas magiging healthy ang baby kapag gatas ng ina ang ipapadede. Bukod du’n, lalaking mabait ang baby na bine-breast feed at magiging malapit sa kanyang mommy.

For sure, sobrang happy ang Christmas nina Dingdong at Marian dahil first Christmas nila with their Baby Z. First New Year din nila with Baby Z. First wedding anniversary naman nila on December 30.

Mag-aartista uli

“Good luck nalang sakanya,” ang natatandaan naming sabi ni Direk Maryo J. delos Reyes noong nalaman niyang si AiAi delas Alas ang tumutulong at tumatayong ina-inahan ni Jiro Manio na dati niyang alaga. Si Ai Ai ang nag-asikaso sa pagdala kay Jiro sa isang facility center para maipagamot ito.

Sumuko na kasi si Direk Maryo para mapagbago si Jiro. Tinulungan niya ang dati niyang alaga noong una itong dinala sa isang rehabilitation center. Nang lumabas si Jiro, isinama siya ni Direk Maryo sa isang teleserye. But then again, bumalik si Jiro sa dating bisyo.

Kahit ano’ng pangaral at payo ang ginawa ni Direk Maryo kay Jiro, walang nangyari. Naging pasaway si Jiro, kaya binitiwan siya ni Direk Maryo.

Despite ng kanilang falling-out, Direk Maryo must be happy sa magandang balita tungkol kay Jiro. Ayon kay AiAi, malaki na ang ipinagbago ni Jiro. Kung noon ay ayaw na niyang mag-artista, nagsabi si Jiro kay AiAi na paglabas niya sa facility center ay gusto niya uling mag-artista.

Hopefully, makakalabas na si Jiro sa December at sa bahay ni AiAi siya titira. Paninindigan na ni AiAi ang pagiging ina kay Jiro.

Hate ng fans

Hate ng fans ni Ken Chan si Katrina Halili dahil sa pang-aapi niya kay Ken sa “Destiny Rose.” Bukod sa parati niyang inaalipusta ang pagkabakla nito bilang Joey, inagaw pa niya si Fabio Ide (Gabriele) kay Joey. Nagbabanta ang fans ni Ken na kapag nakita nilasi Katrina ay sasabunutan nila ito.

Off-camera ay buddy-buddy sina Ken at Katrina. Tsikahan sila kapag break time. Tinuturuan pa ni Katrina si Ken sa tamang kilos ng isang babae. Magtatransform kasi si Joey bilang isang babae. Joke ni Katrina, mas maganda at sexy pa sa kanya si Ken kapag nag-transform ito.

Mamaya sa “Destiny Rose,” muntik na makita ni Lito (Joko Diaz) si Joey nang sunduin niya si April (Sheena Halili).

Buti na lang, nakapagtago ang magkapatid. Nagkita na rin sina Daisy (Manilyn Reynes) at April. Emotional na nagyakap ang mag-ina.

Minamadali naman ni Jasmine (Katrina Halili) si Gabriele sa pag-alis nila papuntang Italy. Matuloy kaya sila? Tutok lang sa “Destiny Rose” at 4:30 pm., Monday to Friday sa GMA Afternoon Prime.

comments