Home » Entertainment » Jolina avoids any Claudine issue, stays positive, happy for family

Jolina avoids any Claudine issue, stays positive, happy for family

Ayaw nang mag-comment ni Jolina Magdangal nang matanong kung posible bang magkatrabaho ulit sila ni Claudine Barretto ngayong pareho na ulit silang nasa ABS-CBN.

Matatandaang inamin noon ni Jolina na nagkaroon siya ng hindi magandang experience nang makatrabaho niya si Claudine sa GMA teleseryeng Iglot noong 2011. Pero kinalimutan na raw ito ni Jolina at sinabing wala siyang sama ng loob kay Claudine.

Nang usisain nga si Jolina ng mga press tungkol kay Claudine, eto ang sagot niya, “Alam ko na ang itatanong n’yo.

Ayoko nang mag-comment. Basta ako, happy ako na bongga yung Etiquette For Mistresses (movie ni Claudine). Hanggang doon na lang muna ang sasabihin ko kasi… basta ayoko nang mag-comment. Happy ako for her.”

Hindi raw komo’t ayaw na niyang mag-comment ay may isyu na sa kanila ni Claudine. Paglilinaw nga niya, “Sa akin, walang isyu ha, wala sa aking isyu.”

Ayaw na nga ng intriga ni Jolina dahil gusto niya positibo lang ang lahat sa kanya lalo na’t ang daming blessings na dumarating hindi lang sa kanya kundi pati sa pamilya nila ng asawang si Mark Escueta at anak na si Pele Iñigo Magdangal Escueta.

Si Pele kasi ang napiling kauna-unahang endorser ng Super Twins Baby Diaper ng Megasoft Hygienic Products, na pagmamay-ari ng mag-asawang Emilio at Aileen Go. Pati nga sina Jolina at Mark ay isinama na rin bilang endorsers, kaya buong pamilya nila ang kasama sa TV commercial ng Super Twins.

Tuwang-tuwa nga ang mag-asawa at itinuturing nila itong isang blessing. Sabi ni Mark, ‘Ang importante talaga sa amin ay ang isang masayang pamilya.”

Dagdag pa ni Jolina, “Ako, proud ako kasi bata pa si Pele pero may nagtiwala agad sa kanya. Kami lang yung maggagabay sa kanya e. Pero masaya kami na mayroon agad na-cute-an sa kanya, nagtiwala sa kanya, kumbaga nag-aalaga.

Hello, isa sa gastos ng mga magulang ang diaper. Pero dahil libre na ang milk niya, kasi nagpapa-breastfeed pa rin ako hanggang ngayon. Tapos ngayon nalibre pa ang diaper. So, sobrang thankful talaga kami.”

Samantala, more blessings pa ang dumating kay Jolina dahil may bago siyang primetime teleseryeng ginagawa para sa ABS-CBN,

ang Written In Our Stars, kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, at Sam Milby. Soon to be released na rin ang bagong album ni Jolina, kung saan nag-collaborate sila ni Mark sa isang kanta. Tumulong din daw ang Super Twins sa pag-produce ng album. (GLEN SIBONGA)

comments