Home » Entertainment » Liza Soberano bagay mag-Darna

Liza Soberano bagay mag-Darna

Angel Locsin

HEALTH is wealth at tama ang desisyon ni Angel Locsin na huwag nang gawin ang “Darna” movie. Painful decision ’yon dahil aniya, malaking bagay ang nagawa ng “Darna” TV series sa career niya. Bumongga ang career ni Angel at siya ang Reyna ng GMA noon.

Kilangan iprayoridad ni Angel ngayon ang pagpapagaling ng kanyang karamdaman. May problema sa spine (bulging disc injury) si Angel. Sa exclusive interview sa kanya sa “Tonight with Boy Abunda,” sinabi ni Angel na dahil sa mga ginawa niyang stunts at fight scenes noon, nagkaroon siya ng problema sa spine. Nakadagdag pa sa kanyang injury ang pagkahulog niya sa kabayo sa isang TV series o pelikulang ginawa niya.

Ani Angel, ayaw niyang magpa-double dahil gusto niyang masiyahan ang kanyang fans sa kanyang trabaho. No regrets siya, aniya pa. Hindi niya pinapansin ang pabalik-balik na pananakit ng kanyang likod hanggang isang umaga’y nagising siyang hindi makagalaw, hindi makabangon. Gumapang na lang siya. Natakot siya at nagpadala na sa ospital for check-up.

Nagte-therapy ngayon si Angel at may posibilidad na magpa-opera siya abroad. Natakot din siya sa posibilidad na baka hindi na siya magkaanak. Pero base sa series of check-ups na isinasagawa sa kanya, okey naman at wala siyang dapat ipag-alala.

Thankful siya sa boyfriend niyang si Luis Manzano dahil, ani Angel, he’s always there for her. Parati siyang pinapakalma ni Luis. Napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal. Pero wala pang kumpletong detalye, ayon kay Angel.

As of presstime, hinihintay ang announcement ng Star Cinema kung sino ang ipapalit kay Angel bilang Darna. Marami ang nagsasabing bagay kay Liza Soberano. Why not? Bata, maganda, matangkad at magaling umarte. Perfect launching solo movie for her.

Protective mom

Happy na sa kanyang married life, happy pa si Amy Perez sa kanyang career.

Matapos ang failed marriage nila ni Brix Ferraris na dating miyembro ng South Border band, nagka-second chance si Amy sa husband niya ngayong si Carlo Castillo. Dalawa na ang anak nila, both boys. Ang panganay na anak ni Amy na si Adi, now 18 years old, ay si Brix ang biological father.

Nasa proseso na ang adoption ni Carlo kay Adi para maging Castillo na rin ang apelyido nito. Hopefully, matatapos na ’yun within this year, ayon kay Amy. Aniya, ipinaliwanag nila kay Adi kung bakit kailangang ampunin siya ni Carlo.

Sakaling may mangyari sa kanilang mag-asawa, gusto nila’y pantay-pantay ang karapatan ng mga anak nila.

Hands-on at protective mom siya sa kanyang mga anak lalo na sa kalusugan ng mga ito, ayon kay Amy. Uso ang dengue ngayon, kaya parati siyang nag-i-spray ng insecticide sa bahay nila, pati sa garahe para iwas-dengue.

Ani Amy, subok na niya ang Strike multi-insect killer spray na produkto ng ATC Healthcare International Corporation.

Happy and thankful si Amy na siya ang kinuhang celebrity endorser nito. Kamakailan ay ginanap ang contract-signing cum presscon nito. Bukod sa insect spray, meron ding coil mosquito repellent, mat, liquid mosquito, electric repellent at patch. Environmental-friendly ang mga ito, non-toxic, odorless at affordable ang prices. Available sa mga leading supermarkets nationwide.

May Buy One, Take One promo ang Strike multi-insect killer mula Nov. 2, 2015 hanggang May 21, 2016.

comments