Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jolina, Mark, Pele check into hotels on Sundays to bond

Jolina, Mark, Pele check into hotels on Sundays to bond

pele

PICTURE of a happy family sina Jolina Magdangal, Mark Escueta and their son, Pele Iñigo (Pele for short) nang humarap sila sa presscon para sa Super Twins Premium diaper ng Megasoft Hygienic Products. Si Pele ang kauna-unahang endorser ng Super Twins Premium diaper.

Hiyang kay Jolina ang buhay may asawa at pagiging isang ina. Pansin ng entertainment writers, ang ganda ng aura ni Jolina na bakas ang happiness at contentment. Mukhang stress-free.

One year and eight months old pa lang si Pele (born on Feb. 18, 2014) at ayon kay Jolens, hanggang ngayon ay bine-breast feed pa rin niya ang bagets. Never pang nagkasakit si Pele mula nang ipanganak niya ito via caesarean operation.

Next year nila balak ni Mark sundan si Pele at wish nilang baby girl ang maging second baby nila. Hands-on parents sila kay Pele na parati nilang kasama kahit saan sila magpunta. Sunday ang family day nila at nagtse-check-in sila sa isang hotel bilang bonding moments nila.

Magkakasama rin silang tatlo sa isang bedroom kapag nasa bahay sila. “Sa kama kami nagba-bonding,” lahad ni Jolens. Aniya pa, happy baby si Pele. Hindi sumpungin at sanay ito sa maraming tao.

Sakaling gusto nitong mag-showbiz, susuportahan daw nilang mag-asawa ito. Pero kailangang school muna ang priority ng bagets.

Fan ni Jolina ang owner ng Megasoft Hygienic Products na si Aileen Go, kaya aniya, personal choice niya si Pele para maging endorser ng Super Twins Premium diaper. Pinagamit muna niya kay Pele ang diaper at nagustuhan naman nina Jolina at Mark, kaya tinanggap nila ang offer para maging diaper endorser ang anak nila.

Ani Jolens, ang TF (talent fee) ni Pele ay ininvest nila sa educational plan at sa mutual fund.

Bagong sorpresa

Damay sa tinatamasang kasikatan ngayon ng AlDub tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) ang tatlong lola, sina Nidora (Wally Bayola), Tidora (Jose Manalo) at Tinidora (Paolo Ballesteros). May TV commercial (TVC) na rin sila.

Sa isang commercial ni Maine ay kasama niya si Lola Nidora. Sa latest TVC ng AlDub para sa isang fast food chain ay kasama na nila ang tatlong lola. Cute at ’kaaliw ang concept.

Malaking bahagi ng AlDub kalyeserye ang tatlong lola. Curious lang kami, kung bawal mag-endorse ng politicians na kandidato sa May 2016 elections ang AlDub, bawal din kaya ang tatlong lola?

Samantala, ano naman kaya ang pasabog ngayong Sabado ng AlDub kalyeserye? Ayon sa binasang diary ni Lola Nidora, may magaganap na pagtitipon sa isang malaking bahay na may bubong. Nahanap na ni Alden ang susi. Kanino kayang bahay ’yun?

Kinaiinisan

Kinaiinisan ang karakter ni LJ Reyes bilang Innocencia sa “Marimar.” Hate siya ng fans ni Megan Young sa pang-aapi niya sa karakter nito bilang Marimar. Ang sarap niyang sampal-sampalin at sabunutan sa pagmamaldita at pang-aapi niya kay Megan.
But off-camera, friends sina Megan at LJ. Nagge-girl talk sila kapag break time. Napag-uusapan kaya nila sina Mikael Daez at Paolo Contis?
Bagong dagdag na karakter sa “Marimar” si Solenn Heussaff na gumaganap bilang Cappucina. Abangan kung ano’ng magiging kaugnayan niya kay Marimar. Kakampi kaya siya o kaaway?
Samantala, nagtatrabaho na si Marimar sa kumpanya ni Gustavo (Zoren Legaspi). Magiging daan ’yun para magkalapit sila. Lingid sa kanilang kaalaman ay mag-ama sila. Kailan kaya nila matutuklasan ang tunay nilang relasyon sa isa’t isa?

comments