Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Paris Disneyland trip bday treat ni Quen kay Liza

Paris Disneyland trip bday treat ni Quen kay Liza

ENRIQUE Gil

WALANG engrandeng debut party si Liza Soberano sa kanyang 18th birthday on Jan. 4, 2016. Magta-travel siya abroad kasama ang ilang kaibigan. Pupunta siya sa Europe dahil gusto niyang makita ang Paris Disneyland.

Never pa siyang nakapunta sa Disneyland, ayon kay Liza.

Sasabayan siya roon ni Enrique Gil na kasama naman ang isang kapatid and their mommy. Curious lang kami, kanya-kanya kaya silang gastos o, birthday treat ’yun ni Enrique kay Liza?

Sa isang interbyu kasi noon kay Enrique, sinabi niyang gusto niyang dalhin sa Paris Disneyland si Liza sa 18th birthday nito. Bongga naman ni Enrique kung sagot niyang lahat ng gastos sa European trip nila ni Liza.

Sa guesting ni Enrique sa “Tonight with Boy Abunda,” aniya, ang “yes ” na sagot na lang ni Liza ang hinihintay niya.

Araw-araw niyang sinasabihan ito ng “I love you.” Mula kaya ’yun sa puso o pang-promo.

lang ng kanilang movie?

Sabi ni Liza sa guesting niya sa TWBA, araw-araw rin niyang sinasabihan si Enrique ng “I love you,” pero pabiro lang. Aniya, hindi porke 18 years old na siya’y magboboyfriend na siya. Sinabihan daw siya ng kanyang daddy na dapat ay mag-isip siyang mabuti sa tunay niyang nararamdaman. Tama!

Sabi nga ni Lola Nidora (Wally Bayola), magandang foundation ng isang pag-iibigan ay ang pagiging magkaibigan muna. Hindi dapat minamadaliang pag-ibig. Nasorpresa Si Maine Mendoza (Yaya Dub) naman ang sinorpresa ni Alden Richards sa location nila sa isang barangay sa Muntinlupa City noong 15th weeksary nila. Kilig much si Maine sa presence ni Alden na may dalang one box of red roses for her.

“Hindi n’yo ako na-orient,” sabi ni Maine. Sinabi rin ’yun ni Alden sa surprise phone call niya sa Kapuso actor sa “Sunday Pinasaya.” Panay ang tukso ng tatlong lola (Nidora, Tidora at Tinidora) sa dalawa. Hindi kasi makatingin si Maine nang diretso sa mga mata ni Alden.

Halatang conscious ang dalagang Bulakenya kay Tisoy.

Nang tanungin sina Alden at Maine, kung halimbawang may mabago sa kanila, sabi ni Alden, walang mababago. Sabi naman ni Maine, ang mababago ay apelyido niya.

Nang tanungin siya ni Senator Tito Sotto kung ano’ng apelyido ang gusto niya, Richards o Faulkerson, kilig-kiligang sabi ni Maine, “Yung totoo po.” Sa mga hindi pa nakakaalam, Richard Faulkerson ang real name ni Alden.

By the way, kaabang – abang ang sorpresa ng AlDub kalyeserye ngayong Sabado. May lola. Costume party ’yun. May premyo sa studio audience na presentation ng “Eat Bulaga.” Na-pressure lang?

Dumalo kaya si Jake Vargas sa debut party ni Bea Binene? Gaganapin ito sa grand ballroom ng Manila Hotel on Nov. 3. Ayon kay Bea, pinadalhan na niya ng invitation si Jake. Hindi kaya na-pressure lang siya dahil noong birthday presscon niya na ibinigay ng GMA Artist Center, aniya, hindi pa niya alam kung iimbitahin niya si Jake.

Binanggit niya ang pangalan ng mga co-star niya sa “Tweenhearts” na imbitado, pero hindi niya binanggit ang name ni Jake na kalove team niya sa naturang defunct youth-oriented show.

Aniya, ang invited ay ang manager ni Jake na si German Moreno. Kasama ito sa 18 gifts.

Abang-abang na lang kung pupunta si Jake sa debut party ni Bea. Kung hindi sila nag-break, siya sana ang last dance ni Bea at hindi si Kristoffer Martin.

comments