Home » Entertainment » AlDub not pressured to fall in love – Alden

AlDub not pressured to fall in love – Alden

NGAYONG malaya nang nagkakaharap at nagkakausap sina Alden Richards at Maine Mendoza na mas kilala sa bansag na “AlDub,” marami sa kanilang fans ang umaasang silang dalawa ang magkakatuluyan.

Sa presscon ng Snowcaps, ang pinakahuling endorsement niya na isang brand ng glutathione capsules, isa ito sa mga naitanong sa kanya.

Ano ang chance na maging silang dalawa ni Maine hindi lamang bilang loveteam kundi bilang real-life sweethearts?

Kumusta na silang dalawa pagkatapos ng historical event sa naganap sa Philippine Arena noong Oct. 24?

Ani Alden, “I’m getting to know her more po, and I think it’s gonna be… masarap siyang katrabaho. Totoo siyang tao, hindi siya fake. Hindi siya showbiz.

“I think this is what’s lacking in the industry now. ’Yung mga taong hindi gaanong showbiz.

“So si Maine, hindi siya ganun. Kaya, I always look forward working with her.”

Ngayong sobrang busy na siya, paano na ang kanyang lovelife?

May panahon pa ba siya rito?

Pabirong sabi ng Pambansang Prince Charming, “Malay natin si Maine ’yun. Ha ha ha!

“Ang nakakatuwa sa Aldub fans, they’re really hoping this to continue into something romantic. Pero, wala pong pressure, we just enjoy every moment.

“Kahit po sa TAPE, Inc., sabi nila there’s really no pressure. Just enjoy your moment, enjoy your work and be good friends, sabi nila.”

Kahit nga raw sa pagitan nila ni Yaya Dub ay hindi pa sila dumarating sa puntong nagkakabiruan sila na puwedeng maging sila. Pero nothing is impossible naman dahil unang-una ay pareho silang single at marami silang similarities.

Abangan na nga lang daw ang susunod na kabanata! (GLENN REGONDOLA)

comments