Home » Entertainment » Dalawang Darna sa buhay ni Luis

Dalawang Darna sa buhay ni Luis

NAWALA man ang “Darna” project kay Angel Locsin, agad namang may kapalit ito. Isang pelikulang pagsasamahan nila ni Coco Martin under Star Cinema ang gagawin niya next year. Kaya naman sobrang excited ang Kapamilya actress.

First time nila ni Coco magkakatrabaho sa pelikula. Sa TV, una silang nagkasama sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” tungkol sa isang namatay na SAF (Special Action Force) member.

Isa si Coco sa mga hinahangaan at nirerespetong Kapamilya actor ni Angel, kaya looking forward na siyang maumpisahan ang shooting ng first movie nila together. Hopefully, early next year.

Samantala, tinatapos ni Angel ang pelikulang magkasama sila ni Governor Vilma Santos-Recto. Next year ito ipapalabas. Ani Angel sa huling pakikipag-usap namin sa kanya, sobrang kabado siya kapag ka-eksena niya ang future mother-in-law niya. Kailangang galingan daw niya para hindi siya mapahiya sa mother ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

’Katuwa naman ang post ni Luis sa kanyang Instagram account. Para sa kanya, dalawa ang “Darna” sa buhay niya… ang kanyang mommy Vi at si Angel. Nag-Darna na rin kasi ang girlfriend niya sa TV version nitong ipinalabas sa GMA7.

Kikay role

Impressive ang trailer ng “No Boyfriend Since Birth” (NBSB) na pinagbibidahan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

“Kaaliw ang pa-cute scenes ni Carla kay Tom. May pagkakikay ang role ni Carla at carry rin pala niyang mag-comedy.

Naiibang love story ang NBSB mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes. Puno ito ng hugot lines mula sa isang babaeng umaasa na ang dream guy niya noong high school ang makakasama niya forever.

Carla plays Karina at si Carlo (Tom) ang kanyang high school crush. Years after ng kanilang high school graduation ay muli silang nagkita sa isang kasalan kung saan si Carlo ang wedding photographer.

Naging business partners sila, kaya na-in love si Karina kay Carlo. Pero deadma lang ito sa kanya kahit ano’ng pa-cute ang gawin niya. Ang daming hugot lines na pasabog ni Carla pati kilig scenes sa pagpapa-charming niya kay Tom.

Prodyus ng Regal Entertainment, showing on Nov. 11 nationwide ang NBSB kung saan kasama rin sina Mike Tan at Bangs Garcia.

Naiilang

Naiilang si Fabio Ide sa kissing scene nila ni Ken Chan sa “Destiny Rose.” Aniya, hindi siya komportable. But then, kailangan nilang gawin ’yun, kaya pareho silang no choice ni Ken.

Bago pa sila nagsimula ng taping ay nag-workshop muna sila. Pero iba raw pala kapag actual take na. Nagkakailangan na sila ni Ken. Nagtatawanan nalang daw sila pagkatapos kunan ang kissing scene nila.

Binibiro nga sila ng kanilang co-stars na baka raw magkadebelopan sila. May tawag na nga sa kanila… FabKen.

Kaabang-abang at kapana-panabik naman ang mga kaganapan sa “MariMar” ngayong malalaman na ni Gustavo (Zoren Legaspi) na si Marimar (Megan Young) ang nawawala niyang anak na si Bela.

Maikukuwento ni Marimar kung paano siya napunta kina Lolo Pancho at Lola Cruz. Tatanungin niya kay Gustavo kung sino ang tunay niyang ina. (ROWENA AGILADA)

comments