Home » Entertainment » Niño careful not to be a stage dad to Alonzo

Niño careful not to be a stage dad to Alonzo

HAPPY ang former child superstar Niño Muhlach sa kanyang anak na si Alonzo Muhlach dahil sunud-sunod ang ini-endorse nito.

Ang pinaka-latest ay ang Frabelle Hotdogs na paboritong kainin ni Alonzo mula breakfast hanggang dinner.

“Ang maganda sa Frabelle, kahit na processed food siya, very healthy at safe sa kalusugan ng mga bata.

“Gusto niyang samahan ng gulay ang kinakain niyang hotdog. Tinuruan naming kumain ’yan ng gulay para healthy siya,” diin pa ni Onin.

Father and son tandem ang dalawa at si Onin ang parating kasama ni Alonzo sa mga lakad nito.

“Before kasi, ang sumasama kay Alonzo ay ang mama niya. Eh masyado nang napagod si Abby. Ayun sumumpong ang sakit niyang scoliosis.

“Kaya sabi ko, ako na muna ang sasama kay Alonzo para makapagpahinga siya,” diin ni Onin.

Hindi raw puwedeng ma-label na stage father si Onin dahil hindi naman daw ito nakikialam sa mga natatanggap na trabaho ni Alonzo.

“May mga nag-aasikaso naman sa career ng anak ko. Nandiyan si Tita Aster (Amoyo). Nandiyan din sila Boss Vic (del Rosario) at si Tito Cheng (Muhlach). They make the decisions on the projects and endorsements for Alonzo. I know that my son is in good hands kaya hindi na ako sasali pa.”

Kahit busy si Alonzo noon sa mga TV project, naging honor student pa ito sa La Salle Greenhills kung saan full-time student ito.

“Advice ni Tita Aster na huwag pagurin ang bata. Kapag school season, wala munang taping. Gusto kong ma-experience ni Alonzo ang mag-aaral sa isang regular school.

“Hindi ako masyadong naniniwala sa tutoring or home study. Iba pa rin ang natututunan mo sa pagpasok mo sa school.
Iba pa rin kasi ang environment ng school and I want him to interact with other kids na kaedad niya.”
(RUEL J. MENDOZA)

comments