Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jake Vargas pinagkaisahan?

Jake Vargas pinagkaisahan?

Jake Vargas

MAY paliwanag ang kampo ni Jake Vargas kung bakit wala siya sa reunion photo ng “Tweenhearts” na ipinost ni Louise de los Reyes sa kanyang Instragram account. Nakaalis na si Jake nang magpiktyuran sila noong nakaraang debut party ni Bea Binene sa grand ballroom ng Manila Hotel.

May taping si Jake ng isang TV show niya, kaya hindi siya nagtagal sa naturang event. Sumaglit lang siya para personal na batiin ang kanyang ex-girlfriend.

Ginawan kasi ng isyu ang hindi niya pagkasama sa reunion photo ng “Tweenhearts” noon. Kesyo, pinagkaisahan daw si Jake, kaya hindi siya isinama.

Diumano’y mas kampi ang mga ito kay Bea noong nag-break sila ni Jake. Kesyo, na kay Bea ang kanilang simpatiya dahil alam nila ang tunay na dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Whatever, sana move on na lang pareho sina Bea at Jake.

Aminin man nila o hindi, naapektuhan ang kanilang respective careers matapos silang mag-break.

Mga lolang fashionista

Si Gloria Romero ang Tiya Bebeng ng tatlong lola (Nidora, Tinidora at Tidora) sa AlDub kalyeserye ng “Eat Bulaga.”

’Kaaliw si Ms. Gloria sa first appearance niya sa naturang kalyeserye. Kayang-kaya pa rin niyang makipagsabayan sa pagda-dubsmash at sa pagpabebe wave. Kumanta pa siya ng isang Ilocano song.

Ang ganda ng feedback sa appearance ni Ms. Gloria at marami ang nagre-request na sana’y maging regular na ang paglabas niya bilang Tiya Bebeng at ’wag pasulput-sulpot lang ang karakter niya.

By the way, sa mga nagtatanong kung sino raw ba ang gumagawa ng mga damit na isinusuot ng tatlong lola (Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros), pati nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub), napag-alaman naming si Regine Tolentino ang designer.

Pati ‘yung mga nakalagay sa kanilang ulo at accessories na ginagamit ng tatlong lola, kay Regine ring idea. Kaya pala fashionista ang tatlong lola. Hiram lang kaya ang mga damit at accessories o binabayaran ng Tape Inc. ang mga ’yun?

Fan pala si Regine ni Maine, pero never pa sila nagkita sa personal. Nagkakataon kasing wala si Regine sa kanyang boutique kapag nagpupunta roon si Maine para mag-fitting. Sobrang bait naman daw ni Alden sa staff kapag nagpupunta ito sa boutique ni Regine.

Ex-lovers

Malabong magkabalikan sina Derek Ramsay at Solenn Heussaff ngayong magkasama sila sa isang pelikula, “Love is Blind”. May kanya-kanya na silang respective partners in real life. Ikakasal na si Solenn sa Argentinian fiance niyang si Nico Bolzico pero ayaw sabihin ni Solenn kung this year or early next year ang wedding. Basta sabi lang niya, sa abroad ang kasal nila na very intimate lang.

Si Derek naman ay may non-showbiz girlfriend. Ex-lovers sila ni Solenn, kaya hindi maiwasang isipin ng ibang tao na baka magkabalikan sila ngayong may ginagawa silang pelikula. First love ni Solenn si Derek. Awkward nga sila sa isa’t isa noong first shooting day nila, ayon kay Solenn.

Dream come true naman kay Derek na makatrabaho ang kanyang ex-gilrfriend. Sa isang interbyu, sinabi niyang nagagalingan siya kay Solenn sa pag-arte. Ang laki na raw ng improvement nito.

comments