Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Matteo says he’s marrying Sarah in 10 years

Matteo says he’s marrying Sarah in 10 years

sarah geronimo

KAPWA itinanggi nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na break na sila o nagkakalabuan ang kanilang relasyon.

Anila, okey sila, masaya at walang problema sa kanilang relasyon.

Damay pa si Shaina Magdayao na itinuturong dahilan ng diumano’y pagkakalabuan ng relasyon nina Matteo at Sarah.

Mabuti na lang, agad inabsuwelto ni Matteo si Shaina. Magkasama lang daw sila sa trabaho, kaya natsitsismis sila.

May teleserye sila para sa isang cable TV.

Kawawa nga si Shaina dahil bina-bash siya ng ilang netizens na kesyo malandi siya at mang-aagaw ng boyfriend.

Makapang-bash lang na hindi muna alamin ang katotohanan.

Sabi ni Sarah, wala siyang kontrol sa isyu tungkol kina Matteo at Shaina. Isipin na lang daw kung ano’ng gustong isipin. Basta alam niya ang tunay na nangyayari. Nakiusap pa siyang huwag nang pag-usapan si Matteo.

Gustong pakasalan

Sa isang interbyu, sinabi ni Matteo Guidicelli na si Sarah Geronimo na ang babaeng gusto niyang pakasalan. Pero aniya after 10 years pa. Wow, ha! Ang tagal pa nu’n.

By that time, 37 years old na si Sarah. She’s 27 now at aniya, nasa marrying age na siya. Two or three years younger sa kanya si Matteo.

If ever, sila nga ang magkatuluyan bilang mag-asawa, hindi kaya mahirapan nang magbuntis o manganak si Sarah? Eh, may biological clock ang mga babae, di ba?

Ten years to go pa, marami pang posibleng mangyari sa relasyon nina Matteo at Sarah. Wala pa ring kasiguruhan kung magiging forever sila.

Proud daddy

Sobrang proud si Bembol Roco sa anak niyang si Dominic na nanalong Best Actor sa katatapos na QCinema Film Festival para sa performance nito sa “Sleepless.”

Nangako si Bembol na iti-treat niya ng dinner this weekend si Dominic kasama ang kanilang pamilya. Nice to know na okey na ang mag-ama. Matagal ding nagkimkim si Dominic ng sama ng loob niya sa kanyang daddy Bembol mula nang iwanan sila nito at nagkaroon ng ibang pamilya.

What about Felix, ang twin brother ni Dominic? Okey na rin kaya sila ng kanyang daddy Bembol? O, masama pa rin ba ang loob niya? Sa tamang panahon, maghihilom din ang “sugat” na nilikha ni Bembol sa una niyang pamilya.

Paseksi na rin

Ano kaya’ng reaction ni Robin Padilla sa sexy pose ng anak niyang si Kylie para sa isang magazine? Daring na rin si Kylie. Ibig kayang sabihin, handa na siya sa mga sexy role?

At ano na rin kaya ang latest development sa kanila ni Benjamin Alves? Sa set visit kasi noon ng ilang entertainment writers sa isang teleserye ni Kylie ay nabanggit niyang may Kapuso actor na nagpapasaya sa kanya.

Sa kakukulit ng press, binanggit ni Kylie ang name ni Benjamin. Nakiusap lang siyang i-off-the record dahil ayaw raw ni Benjamin na ipaalam sa press at mas gusto nitong tahimik lang sila kung anuman ang namamagitan sa kanila.

Eh, pasaway ang ilang nakausap niyang press at sa isang umpukan ay nabanggit kung sino ang nagpapasaya kay Kylie.

Bandang August-September ’yun. Itsinika pa ’yun ng isang reporter kay Glaiza de Castro na nali-link kay Benjamin.

Halatang nagulat ang Kapuso actress at aniya’y hindi niya alam ‘yun.

November na ngayon, curious lang kami kung si Benjamin pa rin ba ang nagpapasaya ng puso ni Kylie? O, hindi na siya nag-pursue kung anuman ang intention niya sa Kapuso actress?

Break na talaga

So, break na talaga sina Jessy Mendiola at JM de Guzman. Kinumpirma ito ni Jessy sa isang interbyu na aniya, friends pa rin naman sila ni JM. Nag-uusap pa rin sila.

Magpo-focus daw muna sila sa kanilang respective priorities.

Hurting pa rin si Jessy sa paghihiwalay nila ni JM, pero kinakaya niyang maging matatag. Si JM naman, balitang may matinding pinagdaraanan ngayon. Ibang-iba nga ang itsura niya sa latest photos niya na ipinopost niya sa kanyang social media account.

Mall show

May mall show ngayong Linggo sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa Fishermall, Quezon at Roosevelt avenues.

Kaugnay ’yun ng promotion nila para sa pelikula nilang “No Boyfriend Since Birth (NBSB)” under Regal Entertainment.

Tampok din sina Mike Tan at Bangs Garcia. Mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes. Sa Tuesday naman (Nov. 10) ang premiere night sa SM Megamall cinema. Regular showing on Nov. 11 sa mga sinehan nationwide.

comments