Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Young actor ayaw kapareha ang maliliit

Young actor ayaw kapareha ang maliliit

dennis trillo

NAKARMA ang ward ng isang talent manager (TM), isa niyang alagang young actor (YA). Noon daw kasing bagong pasok si YA sa showbiz, sinabi nito sa TM na ayaw niyang ipapareha siya sa mga maliliit na leading ladies ng network.

Matangkad kasi si YA at gusto niya’y matatangkad din ang maging leading ladies niya. Eh, kaso, sa mga ka-edad ng YA ay maliliit ang leading ladies na pwedeng ipareha sa kanya. ’Yung may katangkaran ay mas matanda naman sa YA na pwedeng maging ate o tita niya.

Laugh nang laugh si TM dahil sa kaaayaw ng YA, mga bulinggiting young actresses ang ipinapareha sa alaga niya. “Nakarma, hahaha!” sabing TM.

Excited

Bukod sa pelikulang ginagawa with Derek Ramsay, meron pang isang movie si Solenn Heussaff na si Dennis Trillo naman ang kapareha niya. Pero walang dapat ipag-alala ang kanilang respective fans na baka may something na madebelop between them.

May Argentinian fiance si Solenn, si Nico Bolzico, at ikakasal na sila, if not this year, early next year. Live-in partners sila for a couple of years na. Ayon kay Solenn, mas gusto nila ng gano’ng set-up para makilala nilang mabuti ang isa’t isa bago sila magpakasal.

Si Dennis naman, bagaman walang official na pag-amin mula sa kanila ni Jennylyn Mercado na nagkabalikan sila, may mga sighting na parati silang magkasama. Nagpo-post pa sila ng kanilang pictures sa kanilang social media accounts.

Kamakailanlang ay magkasama silang nag-bike sa Sierra Madre Trail.

Going back to Solenn, excited siya sa karakter niya bilang Capuccina Blanchett sa “MariMar.” Bukod sa isang dancer ang role niya, isa rin siyang image and beauty consultant.

Siya ang tumulong kay Marimar (Megan Young) sa transformation nito bilang Bella Aldama. Tinuruan niya ito ng tamang paglalakad, pagsasalita at pakikihalubilo sa mga tao. Isang sopistikada at sosyalerang Bella Aldama na ngayon ang napapanood sa “MariMar.” Handa na siyang maghiganti sa mga taong nang-api at nanakit sa kanya.

Ire-remake

Ipinahayag na ng GMA7 ang pagbabalik sa ere ng “Encantadia.” Early next year ito ipapalabas at inaabangan kung sino-sino ang mga bagong bubuo ng cast sa remake nito.

Ilan sa mga natatandaan naming gumanap sa “Encantadia” ay sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Iza Calzado at Karylle.

Nasa ABS-CBN na ngayon sina Iza at Karylle. Nananatiling Kapuso si Sunshine at freelancer naman si Diana.

Mga tanong

Natapos na ang kontrata ni Elmo Magalona sa GMA7. How true na lilipat siya sa ABS-CBN? May offer ba naman ang Kapamilya Network?

Matatapos na rin next year ang kontrata ni Kristoffer Martin sa GMA7. How true, nagbabalak din siyang mag-ober da bakod?

Hindi kaya sumama ang loob ni Kristoffer na hindi siya ang last dance ni Bea Binenesa debut party nito kundi si Alden Richards? Ipina-press release pa naman ni Bea na si Kristoffer ang kanyang last dance.

Si Derrick Monasterio naman ang first dance ni Bea sa halip na si Alden. Bakit kaya hindi si Kristoffer? Isa lang siya sa 18 roses na nakipagsayaw kay Bea.

comments