Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alden solong kumanta ng GMA Christmas station ID

Alden solong kumanta ng GMA Christmas station ID

hiro peralta

BUKOD sa Pambansang Bae, King of Mall Show ang bagong bansag kay Alden Richards. Ang ginanap na Fans Day niya sa Robinson’s Place Iloilo nitong nakaraang Friday (Nov. 6) ay dinumog ng napakaraming tao.

Ayon sa report, ang estimated crowd ay 50,000, halos kasing dami ng mga taong nanood ng “Sa Tamang Panahon” event sa Philippine Arena na may seating capacity na 55,000. Solo concert pa ni Alden ’yun sa Robinson’s Place Iloilo.

Ayon pa sa report, kahit na-delay ang show dahil delayed ang flight ni Alden papuntang lIoilo, matiyagang naghintay ang kanyang fans. Wala raw traffic at walang sasakyan dahil halos lahat ay nasa Robinson’s Iloilo. Madaling-araw na natapos ang show, pero gising na gising pa rin ang mga tao.

Sa mga nakaraang Fans Day ni Alden, dagsa rin ang mga tao tulad sa Cebu, Bulacan, Cavite at iba pang lugar sa Metro Manila.

And take note, si Alden ang solong kumanta ng GMA Christmas Station ID na “Magmahalan Tayo Ngayong Pasko” ang title.

Patunay na siya ang hottest Kapuso star.

Tampok sa GMA Christmas Station ID ang mga Kapuso stars led by Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera, AlDub tandem (Alden Richards and Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub).

Early next year, magkakasama naman sa isang teleserye ng GMA sina Alden at Maine.

Excited

Huling napanood si Hiro Peralta sa teleseryeng “Pari ’Koy” with Dingdong Dantes. Happy at excited si Hiro sa bago niyang primetime series sa GMA, ang “Little Nanay.” Katrabaho niya kasi si Kris Bernal na aniya’y dati niyang crush.

May kissing scenes pa sila.

Inggit-inggitan siguro si Jake Vargas na aminadong forever crush niya si Kris. Noon pa niya pinapangarap na makatrabaho ang petite Kapuso actress. Naunahan si Jake ni Hiro.

Bukod dito, feeling honored and blessed si Hiro dahil kasama rin sa cast ng “Little Nanay” ang superstar na si Nora Aunor at si Eddie Garcia, dalawa sa mga hinahangaan at iniidolo niyang veteran actors.

Kasama rin sa cast ang premyadong actor na si Bembol Roco, Mark Herras, Juancho Trivino, Gladys Reyes, Keempee de Leon, child star Chlaui Malayao. Mula sa direksiyon ni Ricky Davao. “Little Nanay” premieres on Nov. 16 sa GMA Telebabad.

Na-depress, natulala

Sobrang close na talaga ang cast, production staff and crew ng “Destiny Rose.” Parang one big happy family sila kapag nasa taping.

Kamakailan ay nag-birthday ang pinakamatandang staff at binigyan ito ng isang surprise party. Nagdala ng cake sina Katrina Halili at Jackielou Blanco.

Samantala, mamaya sa “Destiny Rose,” magiging viral ang love story nina Jasmine (Katrina Halil) at Gabrielle (Fabio Ide). Made-depress si Joey (Ken Chan). Tulala siyang tatawid ng kalsada at ilang beses na muntik siyang masagasaan ng mga mabibilis na sasakyan.

Nabunggo siya ng isang sasakyan. Nakita siya ni Vince (Jeric Gonzales) na duguan ang ulo.

comments