Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » AlDub compared to Nora-Tirso (not really)

AlDub compared to Nora-Tirso (not really)

tirso cruz

TAMA naman si Nora Aunor sa sinabi niyang hindi pwedeng ikumpara sa love team nila noon ni Tirso Cruz III ang AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub). Iba ang panahon noong kasikatan ng Guy & Pip love team sa panahon ngayon ng AlDub tandem.

Hindi lang kasi maiwasang ikumpara ang Guy & Pip love team sa AlDub tandem dahil parehong phenomenal ang pagsikat nila sa magkaibang panahon. Parehong tisoy at good-looking sina Pip at Alden, samantalang simple and yet may kakaibang magneto at karisma sa publiko sina Guy at Maine. Parehong phenomenal ang pagsikat nila.

Sa antas ng pamumuhay, galing sa isang mahirap na pamilya si Guy. Nagtinda siya ng tubig sa train sa Bicol, samantalang mula sa isang Buena familia si Maine. May mga gasoline station sa Bulacan na pag-aari ng kanilang pamilya.

Nakilala si Guy bilang singer bago siya nagging artista, samantalang si Maine ay nakilala sa pagda-dubsmash.

Superstar si Guy, Dubsmash Queen si Maine.

Anyway, mapapanood si Guy sa “Little Nanay,” primetime series ng GMA7 na magsisimula sa Nov. 16. Kasama sa cast sina Kris Bernal, Mark Herras, Juancho Trivinio, Hiro Peralta, Bembol Roco, Keempee de Leon, Sunshine Dizon, Gladys Reyes at Chlaui Malayao. Mula sa direksiyon ni Ricky Davao.

Kapuso rin si Maine. Maisipan sana ng network pagsamahin sila ni Guy sa isang teleserye with Tirso Cruz III and Alden Richards. Sanib-puwersa ang Guy & Pip love team at AlDub tandem. Bongga!

Happy for ex-BF

Kahit break na sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, updated pa rin ang aktres tungkol sa kanyang ex-boyfriend.

Balita raw niya’y may bago nang girlfriend si Geoff and she’s happy for him.

Sabi pa ni Carla, if ever by chance ay magkita sila ni Geoff, siya ang unang lalapit at babati sa kanyang ex-boyfriend. Wish niyang maging friends sila ni Geoff. No more heartaches, no more bitterness. Bawal ang sad, dapat happy lang.

Bagaman, ayaw pang umamin ni Carla na officially together na sila ni Tom Rodriguez at what you see is what you get ang “drama” nila, pinaniniwalaang may “something” na namamagitan between them. Exclusively dating sila, special sila sa isa’t isa ang mga pakiyeme nila.

As if naman, mga teeny-bopper pa sila. Nasa marrying age na nga sila at pwede nang bumuo ng sarili nilang pamilya.

In any case, showing today ang “No Boyfriend Since Birth” kung saan magkatambal sina Tom at Carla. Inaasahan ang suporta ng TomCar fans.

Talent fee

Whether P50 or P15 million ang talent fee ni Daniel Padilla sa pag-e-endorso niya sa presidentiable na si Mar Roxas, mukhang apektado ang kanyang popularity. May mga negative feedback. How true, karamihan sa fans ni Daniel ay tutol sa political endorsement niya?

No denial, no confirmation ang kampo ni Daniel kung magkano talaga ang talent fee niya sa pag-e-endorso niya sa presidential bid ni Mar Roxas. Kung totoong R50 million ang TF ni Daniel, mahirap tanggihan ‘yun.

May mga nagsasabi namang kayang kitain ’yun ni Daniel sa ibang paraan. May mga product endorsement siya at regular teleserye at diumano’y malaki ang kanyang TF per taping day.

comments