Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lovi’s mom does not approve of Rocco

Lovi’s mom does not approve of Rocco

ROCCO-Nacino-and-Lovi-Poe2

“SA tamang panahon magpapakasal ako,” sabi ni Kempee de Leon sa presscon ng “Little Nanay,” nang tanungin siya kung bakit hindi pa siya nag-aasawa. Forty-two years old na siya, unwed father at 19 years old na ang kanyang daughter sa isang non-showbiz girl.

Wala siyang girlfriend ngayon. Aniya, two years ago ang huli niyang relasyon. Hindi nag-work ito dahil sa kanilang differences, idagdag pa na wala siyang oras dahil busy-bisihan siya sa kanyang trabaho.

Wala rin siyang idine-date dahil aniya, tinatamad siyang lumabas. After work, uwi na siya ng bahay para magpahinga.

Hindi na rin siya mahilig gumimik gaya noong kabataan niya.

Paminsan-minsan, lumalabas siya kasama ang mga kaibigan. Minsan, naiisip niyang makipag-relasyon muli. Kaya lang, trabaho ang priority niya. Unfair naman daw ’yun sa girl kung wala siyang mailalaang oras for her.

Kasama si Keempee sa “Little Nanay” bilang Edgar San Pedro, asawa ni Vivian (Gladys Reyes). Anak nila si Archie (Hiro Peralta) na nakabuntis kay Tinay (Kris Bernal). Under de saya siya rito, ani Keempee. Bungangera naman si Vivian.

Unang nagkatrabaho sina Keempee at Gladys sa “Bahay na Bato” several years ago sa GMA7. LN premieres on Monday (Nov. 16) pagkatapos ng “MariMar.”

Honored

Feeling blessed and honored si Aicelle Santos na siya ang napili para mag-perform sa Malacañang at Mariott Hotel on Nov. 16. Excited si Aicelle dahil world leaders ang kakantahan niya sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015 Summit.

Gagawin daw niya ang kanyang best para mabigyan ng kasiyahan ang mga kilalang world leaders at iba pang guests sa gaganaping event.

Hindi raw boto?

Mukhang may problema nga sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa kanilang relasyon. Hindi na tayo magtataka kung mabalitaan nating break na sila. How true kaya ang tsikang nasagap namin na diumano’y may kinalaman ang mommy ni Lovi?

How true, hindi boto ang mother ng aktres kay Rocco? Diumano’y may mga bagay-bagay tungkol sa binata ang hindi gusto ng mommy ni Lovi.

Heart Evangelista-Senator Chiz Escudero ba ang peg? Matatandaang nagkaroon ng isyu noon sa pagitan ng mga magulang ni Heart at ni Sen. Chiz noong mag-BF-GF pa lang sila. Tutol ang mommy ni Heart kay Sen. Chiz. But now, all’s well that ends well. Nagkaayos na si Sen. Chiz at ang parents ni Heart.

Mag-BFF (Best Friends Forever) nga sina Heart at Lovi. Nagka-problema rin noon si Heart and her parents. Sana lang, magkaayos din sina Rocco at ang mommy ni Lovi. Magbabakasyon abroad si Lovi kasama ang kanyang mommy. Hindi kasama si Rocco.

Sa sitwasyon ngayon ni Lovi, parang naiipit siya sa dalawang taong mahal niya. Magawa kaya niyang ipaglaban si Rocco sa kanyang mommy? Gayahin kaya niya si Heart na ipinaglaban ang pag-iibigan nila ni Sen. Chiz?

comments