Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Daig pa ang tunay na babae

Daig pa ang tunay na babae

Untitled-2 copy

DREAM come true kay Carla Abellana na magkakatrabaho sila ng kanyang papa Rey “PJ” Abellana sa bago niyang teleserye sa GMA. “Because of You” ang pamagat kung saan tampok sina Gabby Concepcion at Rafael Rosell na tatayong leading men ni Carla.

Wish lang ni Carla na marami silang eksena together ng kanyang papa PJ para makapag-bonding sila sa set. Bihira kasi silang magkitang mag-ama dahil may iba itong pamilya at siya naman (Carla) ay kasama ang kanyang mommy (former actress Rhea Reyes) sa house na ipinagawa niya somewhere sa scout area sa QC.

Thankful si Carla sa GMA sa bagong project na ibinigay sa kanya. Aniya, happy siya at excited katrabaho sina Gabby at Rafael na parehong professional at easy to work with.

Nagkatrabaho na sina Carla at Gabby sa isang project noon at anang Kapuso actress, makulit si Gabby at very funny person. “I’m looking forward na mas mag-e-enjoy ako sa trabaho with him around at mas maraming matututunan from him,” saad ni Carla.

Ayon naman kay Gabby, komportable siyang katrabaho si Carla. “I’m so relaxed with her. Parang it’s a walk in the park. Magaan siyang katrabaho.

“Feel-good teleserye ito. It’s a different approach and story,” ani Gabby.

Thankful din si Rafael sa Kapuso Network sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng magagandang projects at meaty roles.

“I feel honored to be entrusted with this fulfilling project about love. I could not be more grateful, honored and even more inspired,” said Rafael.

Ngayong November na mapapanood ang “Because of You” sa GMA Telebabad kung saan tampok din sina Kuh Ledesma, Iya Villania, Valerie Concepcion, Vaness del Moral, Bettina Carlos, Enzo Pineda, Joyce Ching, Michael Flores, Celia Rodriguez, atbp. Mula sa direksiyon ni Mark Reyes.

Kinabog

Nag-transform na si Ken Chan bilang Destiny Rose sa “Destiny Rose” at ang ganda-ganda niyang babae. Kinabog niya ang mga tunay na babae.

Ani Ken, mahirap gawin, hindi biro physically and emotionally. Hindi gano’ng kadali ang pinagdaanan niya bilang Destiny Rose.

“Maraming prosesong pinagdaanan. I did a lot of workshops and researched about transwoman, about girls. How they move, talk, communicate, sing and everything else about women,” ani Ken.

Sa kabila ng mga challenge, masaya at excited ang Kapuso actor dahil aniya, nagawa niya ang gusto niyang gawin, ang ma-entertain ang viewers. “Noong nakuha ko na at nahulma ko na si Destiny Rose, natuwa ako at na-overwhelm sa nakikita ko sa sarili ko. Na-appreciate ko kung gaano kaganda, kung gaano ka-sexy. Sarap ng pakiramdam ko na nagagawa ko ito, na kaya kong gawin dahil artista ako,” wika ni Ken.

Off limits

Sa “MariMar,” off limits na si Sergio (Tom Rodriguez) sa bahay ni Bella (Megan Young) matapos niyang pasukin ito sa kuwarto at tangkang halikan. Hindi titigil si Sergio dahil gusto niyang matiyak na si Bella at Marimar ay iisa.

Itutuloy niya ang pagpapa-background check kay Bella. Pati si Capuccina (Solenn Heussaff) ay kukulitin niya.

Nominated

Nominated si Michael V. sa 20th Asian TV Awards for Best Comedy Performance by an Actor. Siya lang ang nag-iisang Filipino na kasama sa mga pinagpilian. Nominated naman ang “Celebrity Bluff” for Best Game or Quiz Program.

comments