Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sino nga ba ang tunay na ama?

Sino nga ba ang tunay na ama?

Untitled-5 copy

NAGING emotional si Susan Roces sa pagbasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa disqualification case laban sa anak niyang si Senator Grace Poe. Nag-uumapaw sa galak ang puso niya bilang isang inang walang maapuhap na salita kundi ang malaking pasasalamat sa lahat ng nagtanggol sa karapatan ng mga ampon tulad ng anak niya.

Masayang-masaya rin ang showbiz friends ng mag-inang Susan at Grace. Eh, ano naman kaya ang reaction ni Sheryl Cruz?

Makarinig pa kaya tayo ng mga salita mula sa kanya laban sa kandidatura ng pinsan niya? Tutol kasi si Sheryl sa pagkandidato ni Senator Grace bilang presidente.

Si Lovi Poe na half-sister ni Senator Grace, ay all-out support sa kandidatura nito. Anytime na kailanganin siya ng kanyang kapatid, go si Lovi. Asahan nang makikita si Lovi sa campaign sorties ni Senator Grace and her running mate Senator Chiz Escudero na BFF (best friend forever) ng misis nitong si Heart Evangelista.

Ang superstar nasi Nora Aunor ay nagpahayag din na anytime na kailanganin siya sa campaign sorties ni Senator Grace ay okey sa kanya.

Reunited

Excited na ang fans nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na mapanood ang reunion movie nila, “A Second Chance.” Sequel ito ng “One More Chance” na ginawa nila noong 2007.

Gumanap sila bilang Popoy at Basha at marami ang na-inspire sa kanilang love story. Maraming hugot lines na nagustuhan ng kanilang fans. Hanggang ngayon ay natatandaan pa nila ng mga ito.

Sa “A Second Chance,” kakaibang level na ang karakters nina Popoy at Basha at tiyak na lalo silang maiibigan ng moviegoers. Makaka-relate sila at maraming aral na mapupulot sa love story nina Popoy at Basha.

Maihahalintulad ang screen love team nina John Lloyd at Bea kina Christopher de Leon at Vilma Santos na hindi man nagkaroon ng real-life romance ay tanggap ang kanilang tambalan. Si Angelica Panganiban ang real-life girlfriend ni John Lloyd, samantalang si Zanjo Marudo naman ang real-life boyfriend ni Bea.

Showing on Nov. 25 ang “A Second Chance” sa mga sinehan nationwide. Directed by Cathy Garcia-Molina. Produced by Star Cinema.

Sino nga ba?

Bakit ba kasi hindi masabi ni Andi Eigenmann kung sino ang tunay na ama ng anak niyang si Ellie? Four (or five?) years old na ang bagets at hanggang ngayon ay pinagdududahan pa rin kung sino ang tunay nitong ama.

Sa tuwing maiinterbyu si Andi, ’yun ang parating itinatanong sa kanya. Walang katapusang pagdududa kung sino kina Albie Casino at Jake Ejercito ang ama ng kanyang anak.

May tsikang diumano’y, isang kapatid ni Andi ang nagsabing si Jake ang ama dahil positive raw ang DNA test nito at ni Ellie. No confirmation, no denial naman si Jake.

Ayon naman kay Andi, noong panahong ipinagbubuntis niya si Ellie hanggang naipanganak niya ito’y parating ’andun si Jake. Diumano’y tumayo itong parang ama ni Ellie.

Aniya pa, hindi nagging bahagi o never magiging bahagi ng buhay nilang mag-ina si Albie. Well, si Andi lang naman ang nakakaalam kung sino talaga ang tunay na ama ng kanyang anak.

comments