Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lloydie at Bea pinaghubad

Lloydie at Bea pinaghubad

John Lloyd Cruz

HARDEST film ever para kay direk Cathy Garcia-Molina ang “A Second Chance” na muling pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Sequel ito ng “One More Chance” na ginawa nila in 2007.

“Sobrang expectations kasi rito sa ‘A Second Chance,’ ani direk Cathy. “Sobrang hirap dahil marami ang nagmahal sa ‘One More Chance.’ Nahirapan kaming umisip ng istorya para mapantayan ito. Sana lang, magustuhan ang sequel nito.”

Aniya pa, na-offend siya kay Bea dahil akala raw nito’y ginawa niya itong bold star. May hubarang eksena kasi sina Bea at John Lloyd dahil mag-asawa na sila sa “A Second Chance.”

Sabi naman ni Bea, wala na siyang nagawa dahil ’andun na ’yun. “Parang umiikot ang tiyan ko everytime na dumarating ako sa set,” saad ng Kapamilya actress.

Si John Lloyd naman ay may eksenang nagpakita siya ng puwet. Pero sa picture lang, ayon kay direk Cathy. “Basta, makikita n’yo ang picture ni Lloydie na kita ang puwet niya,” ani direk Cathy.

Working partners lang

Sa presscon ng “A Second Chance,” tinanong sina John Lloyd at Bea kung hindi ba sila na-in love sa isa’t isa? Marami silang pelikulang pinagtambalan at kadalasang nangyayari sa magkaka-love team ay nagkaka-in-love-an eventually.

Pero hindi ’yun nangyari kina John Lloyd at Bea. Purely working partners lang sila.

“It’s always a pleasure working with Bea. May mga eksena na kaya ko lang gawin kapag siya ang kasama ko. Malalim na ang pinagtrabahuhan namin. It’s always a joy working with her,” lahad ni John Lloyd.

Ayon naman kay Bea, marami siyang nakikitang pagbabago kay John Lloyd sa tuwing magkakatrabaho sila. “Masaya kami parati. Nag-mature na rin kami. Pero ’andun pa rin ang pikunan. Bahagi na ’yun ng friendship namin,” wika naman ni Bea.

Second chance

Sa presscon pa rin ng “A Second Chance,” tinanong sina John Lloyd at Bea kung nagbigay na ba sila ng second chance sa taong minahal nila?

“No rules sa akin. Everybody deserves a second chance. Hindi ko masabi kung ano’ng kaya kong gawin. Maraming beses na akong nagbigay ng second chance. Marami akong natutunan. ’Yun ang importante,” lahad ni Bea.

“Depende sa sitwasyon kung may second chance. Masarap kasi ’yung pinaglalaruan ka ng pag-ibig. I-allow mo na lang (laughs),” sabi naman ni JLC. “Mas gusto ko, ako ang umiintindi.”

Dagdag pa ng Kapamilya actor, nasaktan na siya nang dahil sa pag-ibig. “Sobra, pero thankful ako dahil kung hindi nangyari ’yun, hindi ako mabubuo,” ani JLC.

Curious lang kami, kanino kaya sa ex-girlfriends niya sobrang nasaktan si John Lloyd?

In any case, sa “A Second Chance,” mag-asawa na sina Popoy (JLC) at Basha (Bea). Ipapakita nila ang realidad ng buhay mag-asawa. Ipapakita na hindi lahat ay ayon sa “happy ending” na kapwa inasahan nina Popoy at Basha. Haharapin nila ang maraming pagsubok. Ipapakita sa pelikula kung ilang pagkakataon ba talaga ang kaya at dapat ibigay sa tunay na pag-ibig.

Handog ng Star Cinema, tampok pa rin sa “A Second Chance” sina Jannus del Prado, Beatriz Saw, Ahron Villena, atbp.

Showing on Nov. 25 sa mga sinehan nationwide.

comments