Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alma turns down TV-radio interviews

Alma turns down TV-radio interviews

Bea Alonzo

Bea Alonzo

KOMPORTABLE si John Lloyd Cruz sa kanyang katawan kahit wala siyang abs. Kung kinakarir ng ibang actor ang pagkakaroon ng abs para maging hunk ang dating, hindi nag-e-effort si JLC.

“Dapat ba may abs?” aniya sa presscon ng “A Second Chance.”

Papable pa rin naman si JLC kahit wala siyang abs. May kakaiba siyang karisma kung bakit nagsu-swoon sa kanya ang mga babae. Sabi nga ni Bea Alonzo, his leading lady sa “A Second Chance,” ang mga mata ni JLC ang pang-akit nito sa mga babae. Tipong paawa effect kapag umiiyak.

Hindi naman kaya hindi nag-e-effort si JLC magkaroon ng abs ay dahil sinasabayan lang niya ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban? Mukhang wala ring care ang aktres kung wala siyang sexy body gaya ng ibang aktres na todo-effort sa pag-gi-gym at pagda-diet.

In any case, sabi ng direktor nilang si Cathy Garcia-Molina sa “A Second Chance,” eight years ago ang tataba nina JLC at Bea. Ginawa nila noon ang “One More Chance.” Sequel nito ang “A Second Chance” at ayon kay direk Cathy, bukod sa nagbago ang mga katawan ng dalawa na pumayat na, lalo na si Bea, acting-wise, ang laki ng improvement ng mga ito.

“Malalalim na sila ngayon. They take their roles differently, kahit pa both of them have never been married,” saad ni direk Cathy.

Aniya pa, hindi na niya mino-motivate si JLC. Nag-uusap na rin sila ngayon ni Bea. “I have always admire her not only because magaling siyang artista, but she’s exceptional. Sobrang humble. She has not changed a bit. Sobrang mahal ko si Bea. Sobrang bait niya.”

Simple wedding

We doubt kung invited si Billy Crawford sa wedding ng ex-girlfriend niyang si Nikki Gil kay BJ Albert. May tsika kasing hindi maganda ang break-up nila at sobrang na-hurt si Nikki. Mukhang wala silang closure. Remember ang mga linya noon ni Billy na he’s confused?

Simple wedding lang ang naganap kina Nikki at BJ na isang businessman. Pamangkin ito ng singer na si Joey Albert.

Christian garden wedding ceremony ’yun na ginanap sa Sta. Elena Golf Country Club sa Laguna noong Nov. 21.

Only their immediate families, relatives, and some close friends (showbiz and non-showbiz) ang naging saksi sa kasal nina Nikki at BJ. Kailan naman kaya susunod sina Billy Crawford at Coleen Garcia?

Never again

Never again magpapainterbyu si Alma Moreno sa radio or TV. Kaya pala, nang kontakin ng isang showbiz writer ang taong nakakaalam ng schedule ng senatoriable para interbyuhin sa radio program niya’y ang dinahilan nito’y out of town daw ang aktres.

Na-trauma raw kasi si Alma sa interbyu sa kanya ni Karen Davila sa programa nitong “Headstart” sa ANC.

Paano kaya kung halimbawang kailangang makipag-debate si Alma sa ilang senatoriables? Parati na lang ba siyang tatanggi at magdadahilan para makaiwas?

Komento ng isang veteran showbiz writer, ginaya na lang sana ni Alma si Governor Vilma Santos-Recto na ayaw mag-ambisyon ng national position. Kahit pa may asawang senador si Gov. Vi, si Senator Ralph Recto na mentor-adviser niya at bihasa na sa larangan ng pulitika, hindi naengganyo si Gov. Vi tumakbo for a national position. Mas ginusto niyang kumandidato bilang congresswoman sa lone district ng Lipa City, Batangas.

comments