Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dingdong, Marian are proud parents

Dingdong, Marian are proud parents

dingdong and marian

CERTIFIED at proud parents na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa panganay nilang anak na si Maria Letizia na ipinanganak ni Marian noong Lunes Nov. 23 at 5:25 a.m. sa Makati Medical Center. Normal delivery ang Kapuso Primetime Queen at parehong nasa mabuting kalagayan ang mag-ina.

May timbang na 6.9 lbs. si Baby Letizia. Binantayan ni Dingdong si Marian hanggang naipanganak ang kanilang little angel. Congratulations sa bagong daddy at mommy.

Not true

Pinabulaanan ni Rocco Nacino sa kanyang Instagram account ang tsikang diumano’y kinuha niya ang pera sa joint account nila ni Lovi Poe. Ani Rocco, wala silang joint account at walang third party involved sa kanilang relasyon.

Malaki ang respeto niya kay Lovi at sana raw ay irespeto ang kanilang privacy. Walang binanggit si Rocco tungkol sa estado ng relasyon nila ni Lovi.

Para namang hindi kapani-paniwalang pera ang isyu sa pagitan nina Rocco at Lovi. Kumikita naman ng sarili niyang pera si Rocco at may sarili rin siyang business. Itinanggi na ni Lovi sa isang interbyu na magkasosyo sila o binigyan niya ng puhunan si Rocco.

May kaya rin naman ang pamilya ni Rocco. Sana, magsalita na rin si Lovi tungkol sa sinasabing joint account nila ni Rocco. May tsika pang diumano’y hindi boto ang mommy ni Lovi kay Rocco dahil daw sa ugali ng aktor. Ano kaya ’yun?

May narinig din kaming diumano’y user si Rocco.

Magkano?

Magkano naman kaya ang offer kay Kathryn Bernardo para pumayag siyang mag-endorse ng kandidatura ng presidentiable na si Mar Roxas? Kung may tsikang diumano’y R50 million ang offer kay Daniel Padilla para mag-endorse ng kandidatura ni Mar Roxas, hindi kaya nalalayo ang talent fee ni Kathryn?

Na-influence kaya siya ni Daniel? O, sobrang bilib ang kampo ni Mar Roxas na malaki ang maitutulong ng KathNiel love team sa kandidatura nito? May pahayag kasi si Daniel na kaya niyang magpanalo ng kandidato sa rami ng kanyang fans.

Tingnan natin kung susuportahan ng KathNiel fans si Mar Roxas.

Malalaman na

Sa “Destiny Rose,” malalaman na ni Armani (Michael de Mesa) na si Gabrielle (Fabio Ide) ang nagpasakit ng puso ni Joey/Destiny Rose. Ipagkakatiwala niya kay Destiny ang pamamahala sa publishing firm at itatalaga siya bilang editor-in-chief.

Nagsampalan

Dahil sa isang lalaki, nagpalitan ng masasakit na salita at nagsampalan ang magkapatid na Megan at Lauren Young.

Inakusahan ni Lauren si Megan na “ahas” at mang-aagaw ng lalaki. Opps! Eksena lang ’yun sa “MariMar.”

Hindi kasi matanggap ni Antonia (Lauren) na si Marimar/Bella pa rin ang mahal ni Sergio (Tom Rodriguez). Habol pa rin nang habol si Antonia kahit umurong na si Sergio sa kasal nila. Tutok lang sa mga kaganapan.

comments