Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Carla prefers guys her age for boyfriend

Carla prefers guys her age for boyfriend

Carla Abellana

TINAWAG na “dad” ni Gabby Concepcion si Rey “PJ” Abellana noong presscon ng “Because of You.” Magkasama ang dalawa sa bagong primetime series ng GMA kung saan anak ni Rey ang real life daughter niyang si Carla Abellana at isa sa leading men nito si Gabby. The other one is Rafael Rosell.

Magka-kontemporaryo sina Gabby at Rey, former matinee idols noong dekada ’90. Halos hindi nagkakalayo ng edad si Carla at si KC Concepcion, panganay na anak ni Gabby kay Sharon Cuneta.

Hindi nga akalain ni Gabby na sa unang teleserye niya sa GMA ay lead role siya at love interest pa si Carla. “I’m really excited. I’m happy working with her and the whole cast. Masayang katrabaho si Carla,” saad ni Gabby.

Golden boy (50 years old or so) na rin si Gabby, pero papable at young-looking pa rin, kaya carry pa rin niyang ipareha sa mas batang aktres tulad ni Carla. Tipong May-December affair sila sa BOY.

At his age, handa na si Gabby maging lolo. Aniya, nasasabik na siyang magka-apo kay KC na 30 years old na.

Ayaw sa matanda

Sa presscon ng “Because of You,” natanong si Carla kung posible kayang makipag-relasyon siya sa isang much older guy than her tulad ni Gabby. Negative ang sagot ng Kapuso actress. Hindi raw niya nakikita ang sarili niya sa ganong sitwasyon, lalo na kung may (o mga) anak na ang guy.

She prefers ang kasing-edad niya, ayon kay Carla. Pero aniya, bilib siya kay Gabby dahil sa edad nito’y napapanatili nito ang pagiging mukhang bata at physically fit. Happy person daw kasi si Gabby at parati itong nagpapasaya sa kanila kapag nasa taping sila. Kahit daw 2 a.m. na, full of energy pa rin ang aktor. Never a dull moment with him.

Naitanong din kay Carla kung naipakilala na ba niya sa kanyang daddy Rey si Tom Rodriguez. Aniya, casual meeting lang at feeling niya, okey si Tom sa kanyang daddy Rey. Pareho raw mahilig kumanta ang mga ito, kaya magkasundo.
Nang si Rey naman ang tanungin kung boto ba siya kay Tom for his daughter, wala raw siyang tutol sakaling humantong sa kasalan ang relasyon nina Carla at Tom, kahit ayaw pa rin nilang umamin na officially together sila.

In any case, mapapanood na ang “Because of You” simula Nov. 30 sa GMA Telebabad. Tampok pa rin sina Valerie Concepcion, Celia Rodriguez, Kuh Ledesma, Iya Villania, Enzo Pineda, Bettina Carlos, Joyce Ching, atbp. Directed by Mark Reyes.

Manood kaya?

Sa Dec. 4 and 5 na ang two-night concert ni Sarah Geronimo, “From the Top” sa Araneta Coliseum. Sold out na ang tickets, kaya naman sobrang happy si Sarah sa suporta ng kanyang fans and supporters.

This is her 8th major concert at tinitiyak ni Sarah na mag-e-enjoy ang audience sa mga inihanda niyang pasabog. Si Paolo Valenciano ang director with Louie Ocampo as musical director, produced by Viva Live, Inc.

Inaabangan kung manonood si Matteo Guidicelli. May tsika kasing diumano’y nagkakalabuan ang relasyon nila ni Sarah G.

comments