Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Valerie gusto nang magpakasal

Valerie gusto nang magpakasal

Ken Chan

IN character bilang Destiny Rose nang humarap at nakipagtsikahan si Ken Chan sa entertainment writers na dumalaw sa taping ng “Destiny Rose” somewhere sa old Balara, QC. Pati boses, pa-girl si Ken.

Aniya, mas hirap siya bilang Destiny Rose, bagaman na-challenge siya bilang Joey. “Extreme make-over kasi as Destiny Rose,” ani Ken. “Ang laki ng adjustment sa physical transformation.

“May glamour team kami. May in-charge sa hair and make-up, iba ’yung stylist ng mga damit. May acting coach, may nagtuturo ng tamang pagsasalita, paglalakad, pag-upo. Pati si Katrina (Halili) tinuturuan ako.”

Ani Ken, sobrang happy at thankful siya na tinanggap ng televiewers ang kanilang show kahit maselan ang tema.

Maganda ang feedback at mataas ang ratings ng DR.

Suportado si Ken ng kanyang pamilya at dumalaw pa ang parents niya sa taping. Suportado rin si Ken ng kanyang non-showbiz girlfriend at aliw na aliw ito sa karakter niya bilang Destiny Rose.

Thankful si Ken kay Michael de Mesa na co-star niya sa DR. Marami siyang natututunan at sinasabihan siya nito kapag sobra o kulang ang acting niya.

“Nag-e-enjoy ako bilang Destiny Rose. Pero kapag pack-up na, wala na talaga ’yung karakter ko. Balik ako bilang lalaki,” lahad ni Ken.

Proud and happy

Gandang-ganda si Fabio Ide kay Ken Chan na paglapit nito sa grupo namin ay nagsabing, “Grabe, ang ganda ni Destiny Rose. Grabe talaga siya.” Pa-cute naman at kilig-kiligan (kuno!) si Ken.

Asked Fabio kung posible kayang ma-in love siya sa isang transwoman? “ I don’t think so. I love real women,” ani Fabio.

Sa “Destiny Rose” lang daw siya na-in love kay Ken na isang transwoman.

“I’m very happy with the opportunity given to me to be part of the show. I’m proud and thankful. I’m enjoying the show.”

Natutuwa si Fabio na marami ang kinikilig sa love story nila ni Ken bilang Destiny Rose at Gabrielle. May FabKen supporters na sila. Ani Fabio, ang fear niya noon ay kung kikiligin daw kaya ang televiewers sa kanila ni Ken?

Nawala lang ang kaba at takot niya dahil sa magandang feedback sa kanilang show. Ang gaganda ng comments na nababasa niya sa social media. Nagsisilbing inspirasyon sa kanya na pagbutihin lalo ang kanyang trabaho.

Gusto nang magpakasal

Isang lawyer with three kids ang bagong nagpapasaya ngayon ng puso ni Valerie Concepcion. Annulled na ang kasal ng guy sa first wife nito, kaya walang magiging problema, if ever humantong sa kasalan ang kanilang relasyon.

Turning 28 this December si Valerie at aniya, gusto na niyang maranasang ikinakasal siya. Eleven years old na ang anak niyang si Fiona.

Kasama si Valerie sa cast ng “Because of You” na mapapanood simula sa Lunes (Nov. 30) sa GMA Telebabad. Siya ang ex-wife ni Gabby Concepcion. BOY stars Carla Abellana and Rafael Rosell.

comments