Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Enzo defends pal Rocco on money issue

Enzo defends pal Rocco on money issue

Katrina Halili

MALAKI ang hawig nina Katrina Halili at Ken Chan noong sabay silang humarap sa entertainment writers na dumalaw sa taping ng “Destiny Rose” somewhere sa old Balara, QC. Para silang twin sisters.

Nagkatalo lang sila sa boobs dahil mas malaki (siyempre) ang kay Katrina. Fake kasi ang kay Ken na naka-bra.

That day na dumalaw ang entertainment writers sa taping ng DR, kukunan pa lang ang sampalan scene nina Jasmine (Katrina) at Destiny Rose (Ken). Palaban na kasi ang karakter ni Destiny.

On-cam ay magkaaway sina Katrina at Ken dahil kay Gabrielle (Fabio Ide). Pero off-cam ay magkabati at friends sila.

Joke nga ni Katrina, nagdududa na siya kay Ken. Baka raw totoong nababakla na ito. Aliw na aliw siya kapag naka-Destiny Rose character si Ken. “Nakakatuwa siya,” ani Katrina.

Zero pa rin ang lovelife niya matapos silang mag-break ni Kris Lawrence, tatay ng anak niyang si Katie. Dinadalaw naman ni Kris ang anak nila, ayon kay Katrina. Neighbors sila ni Kris sa isang subdivision sa QC.

Papa ang unang salitang nabigkas ni Katie, ayon kay Katrina. “Ang sakit. Ako ang ina na kasama ng anak ko. Matagal bago niya ako natawag na mama. After more than two years,” sambit ni Katrina.

Aniya pa, sarado na ang puso niya sa pakikipagbalikan kay Kris. They’re better off as friends.

Hindi isyu

Hindi isyu kay Enzo Pineda kung nalilinya siya sa bad boy role. Nag-e-enjoy siya dahil napaglalaruan niya ang gano’ng karakter. Kasama si Enzo sa cast ng “Because of You” where he plays Sonny Lacson. Mapapanood na ngayong Lunes sa GMA Telebabad ang bagong primetime series na ito topbilled by Carla Abellana, Gabby Concepcion and Rafael Rosell.

Ka-batch ni Enzo sa “Starstruck 5” si Alden Richards na super sikat ngayon. “Deserve ’yun ni Alden. I’m proud of him,” ani Enzo.

Wala siyang nararamdamang selos o inggit sa tinatamasang blessings ni Alden. “I just enjoy what I’m doing and try my best,” ani Enzo.

Hindi naman siya naniniwalang may isyu sa pera si Lovi Poe and his friend Rocco Nacino na batchmate rin niya sa “Starstruck 5.” Ani Enzo, nagkausap sila ni Rocco hinggil sa diumano’y kinuha nito ang pera sa joint account nito nito at ni Lovi. Ani Enzo, mabuting tao si Rocco at mahal na mahal nito si Lovi.

Single

Magkasama sa “Angela Markado” ang mag-amang Bembol at Felix Rocco. No show si Bembol sa presscon, kaya si Felix ang natanong ng press tungkol sa balitang nagkabati at nagkaayos na silang mag-ama.

Ayon kay Felix, ang daddy niya ang nag-effort para magkausap silang mabuti. Tumanggi siyang idetalye ang mga kaganapan sa pagkakaayos nilang mag-ama.

Wala silang eksena together sa “Angela Markado” dahil ani Felix, magkaiba sila ng location. Isa si Felix sa limang rapists ni Andi Eigenmann sa naturang pelikula at aniya, magaan ito katrabaho. Very professional at walang kaarte-arte o reklamo sa set. Bago kunan ang rape scene nila ay nag-usap muna sila ni Andi kung ano’ng dapat nilang gawin.

No lovelife ngayon si Felix na ex-boyfriend ni Glaiza de Castro. Andi naman is seeing a non-showbiz guy.

comments