Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Baby Zia’s photo in social media fake

Baby Zia’s photo in social media fake

James Reid

FAKE raw ang lumabas na photo sa social media ni Baby Maria Letizia, anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ayon sa kampo ng Dantes couple, wala pang official photo ni Baby Zia ang inilabas at maghintay lang daw sa tamang panahon.

Kinasasabikang makita ng publiko ang itsura ni Baby Zia na ayon sa ilang malalapit na kaibigan nina Dingdong at Marian, ay carbon copy ng Kapuso Primetime Queen. Sa tweet ng isang friend nilang direktor, mukha raw anghel ang bagets.

Kanino kayang ideya na huwag munang ipakita ang photo ni Baby Zia? Ang munting kamay lang niya ang inilabas. Noong nakumpirmang buntis si Marian, ini-announce nilang mag-asawa ’yun. Noong kalakihan ng kanyang tiyan, nagpa-pictorial pa si Marian na naka-two-piece.

May mga nagtatanong, bakit daw nang ipanganak si Baby Zia, pinasasabik naman nina Dingdong at Marian ang publiko makita ang kanilang little angel? ’Yung ibang celebrity couples, agad naka-post sa social media ang newborn babies nila.

Isyu

Naganap noong nakaraang Martes ang 10th anniversary ng Walk of Fame Philippines sa Eastwood City at 5 p.m. Inasahan ni German Moreno na dadalo ang 21 celebrities na inilagay niya ang mga pangalan sa Walk of Fame.

Present ang AlDub at JoWaPao (Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros) na nagpauso ng “tamang panahon.”

Kahit hindi nakasipot ang Pambansang Bae na si Alden Richards nandodoon naman ang “Eat Bulaga” darling na si Maine Mendoza para tanggapin ang parangal.

Kinuwestiyon naman ng ibang tao ang ilang celebrities na isinama ang mga pangalan ngayong taong ito. Ano raw bang karapatan ng mga ’yun? Kabilang dito sina Dindi Gallardo at Alice Dixson. Ano raw bang karangalang maipagmamalaki ang nagawa nila? Well, si Kuya Germs lang ang nakakaalam kung bakit isinama niya sa listahan sina Dindi at Alice.

Si Kuya Germs lang ang may karapatang magdesisyon dahil sarili niyang proyekto ito. Kung kaninong pangalan ang kanyang mga inilagay, irespeto na lang natin. Kabilang sa mga pinarangalan ay sina Gabby Concepcion, Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Eula Valdes, Kara David, Sunshine Dizon, Rocco Nacino, The Company, Camille Prats, Enrique Gil, Julie Anne San Jose, Gerphil Flores, Buboy Villar at Jake Vargas.

Di pinaasa

Umpisa pa lang ng love team nina James Reid at Nadine Lustre ay hindi na nila pinaasa at binigyan ng ilusyon ang kanilang fans na magiging “sila.” Kumbaga, hanggang on screen lang ang kanilang love team na tanggap naman ng kanilang fans.

In the past, may mga report na diumano’y nakita si James na may kasamang ibang girl. Ang latest, diumano’y nakitang magkasama sina James at Julia Barretto sa isang resto-bar sa BGC (Bonifacio Global City). Na kesyo, flirting and kissing ang dalawa.

Kumalat ang picture nina James at Julia na sweet sila at diumano’y kuha ’yun sa bar kung saan nakita silang magkasama. Ano kayang depensa ang gagawin ng kampo ni Julia? Nega (negative) na ang image niya dahil sa isyu sa kanila ng daddy niyang si Dennis Padilla. Nadagdagan pa ito ng isyu sa kanila ni James.

comments