Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alden, Maine bawal magsama sa isang event

Alden, Maine bawal magsama sa isang event

Aldubub

HOW true na diumano’y may ruling ang Tape Inc., na hindi pwedeng magsama sa isang event sina Alden Richards at Maine Mendoza? Ayon sa tsikang nasagap namin, maaari lang daw magsama ang AlDub sa “Eat Bulaga.”

Kaya pala wala si Alden noong 10th anniversary ng Walk of Fame Philippines sa Eastwood City. Kesyo, may sakit daw ang Kapuso actor. Dumating si Maine na talaga namang pinagkaguluhan ng fans.

No show naman si Maine sa nakaraang PMPC Star Awards for TV at si Alden ang naroon na dinumog talaga ng fans nang dumating siya. For sure, grabe ang eksena kung ’andun din si Maine. Pinarangalan sina Alden at Maine ng German Moreno Power Tandem Award.

Nanganganib ma-disqualify na naman

Nagkita sa isang event sa Bulacan sina Phillip Salvador at incumbent Vice Governor Daniel Fernando. Kumakandidatong vice governor ng Bulacan si Ipe at ayon sa tsika ng ating source, nagbatian naman daw ang dalawa. Walang namagitang tension.

Tsika pa ng source, nasabi raw ni Daniel na nalulungkot siyang magkalaban sila sa pulitika ni Ipe. Magkasama pa sila noon sa Actors Guild o KAPPT (Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon).

Kumandidato na rin noon si Ipe sa Bulacan, pero na-disqualify ang kanyang candidacy dahil nakuwestiyon ang kanyang residency. Kung tama ang pagkatanda namin.

Sa ikalawang pagsubok ni Ipe sa pulitika, how true na may problema na naman sa kanyang CoC (Certificate of Candidacy)? Kapag na-disqualify siya, hindi kaya senyales ’yun na hindi talaga para sa kanya ang mundo ng pulitika?

Balik-facility?

How true na muling ibinalik sa isang facility ang isang magaling na aktor? And how true pa rin na diumano’y nagte-text pa ito sa mga top executive ng isang malaking network para bigyan siyang muli ng pagkakataong makapagtrabaho?

Nabigyan ng second chance ang aktor. Binigyan siya ng TV project. Meron pa sana siyang gagawing pelikula. Pero hindi niya napanindigan ang pagtatrabaho at balitang diumano’y bumalik ito sa dating bisyo. Pinabayaan na naman ng aktor ang kanyang career. Sayang!

And more

Mamaya sa “Destiny Rose,” magwawala si Jasmine dahil nakipaghiwalay na sa kanya si Gabrielle. Magmamakaawa siyang huwag siyang iwan ni Gabrielle.

Iiwasan ni Destiny si Gabrielle para hindi na siya pagselosan ni Jasmine. Hihingi ng tawad si Jasmine kay Destiny.

Lalong umiigting ang mga kaganapan sa “MariMar.” Nagpupuyos sa galit si Bella sa mga Santibañez. Ipinagtapat na ni Nicandro na si Angelika ang nag-utos sa kanyang patayin ang mga magulang ni Bella. Ang huli sana ang gustong ipapatay, pero ang mga magulang ni Bella ang namatay nang sumabog ang ipinagamit na sasakyan ni Bella na nilagyan ng bomba ni Nicandro.

Lumambot na kaya ang puso ni Bella kay Sergio? Malaman na kaya niyang siya ang tunay na ama ng anak ni Bella na si Cruzita?

comments