Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » KimXi kinabog ng JodIan

KimXi kinabog ng JodIan

JODI STA. MARIA

KINABOG nina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria sina Kim Chiu at Xian Lim noong presscon ng “All You Need is Pag-Ibig.” Mas malakas ang palakpak kina Ian at Jodi nang magkasabay silang pumasok sa loob ng Dolphy Theater sa ABS-CBN kung saan ginanap ang presscon.

JodIan ang tawag sa kanilang love team. Magkasabay ring pumasok sina Kim at Xian na may paakbay-akbay pa ang huli sa tsinitang aktres. Mukhang tinamad pumalakpak nang malakas ang KimXi fans na parang wala lang.

Mas naging interesado rin ang entertainment press tanungin sina Ian at Jodi na para bang young love team sila. Para bang ka-level nila ang KathNiel at JaDine. Natawa ngang sabi ni Jodi na para silang teeny-boppers.

Pansin din ng press na mas gumuwapo si Ian ngayong nagka-edad na siya. He is 40 years old, happily married with three children, 17, 15, and 9 years old. Mas naging yummy at hot papa si Ian, ayon pa sa press.

Working partners

Nag-throwback si Ian at aniya, naging anak niya si Jodi sa teleseryeng “Saan Darating ang Umaga.” Sa “Pangako sa ’Yo” ay magkapareha sila at nag-klik ang love team. Sila rin ang magkapareha sa “All You Need is Pag-Ibig,” entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Common knowledge na “taken” na rin si Jodi at aniya, masaya siya ngayon kahit hindi niya binanggit kung sino ang nagpapasaya ng puso niya. Need we say it’s you, Vice Governor Jolo Revilla?

In any case, working partners lang talaga sina Ian at Jodi. Enjoy sila at komportable sa pakikipagtrabaho sa isa’t isa.

Hindi isyu

Hindi isyu kay Jericho Rosales kung second choice siya bilang leading man ni Jennylyn Mercado sa “Walang Forever.”

Si JM de Guzman sana ang kapareha ni Jen. Pero nagkaproblema kay JM, kaya pinalitan siya ni Jericho.

Anang actor sa presscon, walang problema sa kanya kung hindi siya ang original choice. Trabaho ’yun, nagkataong available siya, kaya tinanggap niya ang offer ng Quantum Films. Dream come true for him na makagawa ng isang rom-com movie. Light drama ito na never pa niyang nagawa. Entry sa 2015 MMFF ang “Walang Forever.”

Aniya pa, noon pa niya hinangad na makatrabaho si Jennylyn kapag nakikita niya ang billboards nito. “Magaan at masaya siya (Jen) katrabaho. A beautiful person,” pahayag ni Jericho na gandang-ganda at naseseksihan siya kay Jen.

All praises naman si Jen kay Jericho na aniya, super friendly ito, maalaga, maalalay at parating nagpapadala ng food mula sa Kuya J restaurant na iniiendorso ng aktor.

Happy lang

Sa presscon pa rin ng “Walang Forever,” inamin ni Jennylyn na magkasama sila ni Dennis Trillo nagbakasyon sa Amsterdam. Pero grupo sila, anang Kapuso actress. Kasama nila ang kanilang mga kaibigan.

Matagal na raw nilang plano ang bakasyon na ’yun. Reward nila ’yun sa kanilang mga sarili dahil buong isang taon (2015) ay nagtatrabaho sila. Ani Jen, nakapag-relax sila talaga.

Nagawa nila ang gusto nilang gawin na walang mga taong pumapansin sa kanila kapag naglalakad at namamasyal sila.

But then, wala pa ring inamin si Jen sa totoong estado ng relasyon nila ni Dennis. Basta happy lang sila, tahimik lang. ’Yun lang!

comments