Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ai Ai, pinaiyak ni Vic

Ai Ai, pinaiyak ni Vic

aiai anad vic

PINAIYAK ni Vic Sotto si Ai-Ai delas Alas noong presscon ng “My Bebe Love (Kilig Pa More).” Sinabi kasi ni Vic na hindi niya iiwanan si Ai-Ai kahit kailan.

Ayon kay Vic, si Ai-Ai lang ang kaisa-isa niyang ka-love team. Dagdag pa ng TV host-comedian, may special bonding sila ni Ai-Ai at kahit bihira silang magkita, nagte-text sila. “Andun ang pagtitinginan namin,” ani Vic.

It took three years bago sila nagkatrabaho dahil may mga naging balakid sa kontrata ni Ai-Ai sa ABS-CBN at Star Cinema.

“Ito na ang tamang panahon,” ani Vic. “Feel good movie ang ‘My Bebe Love.’ Good vibes lang. Tunay na romantic comedy. Kumpleto. Nakakatawa, kikiligin ka. Saktong pamaskong handog.”

Entry ito sa 2015 Metro Manila Film Festival, tampok din sina Alden Richards at Maine Mendoza at may special participation sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryzza Mae Dizon at Valeen Montenegro. Directed by Jose Javier Reyes.

Di pa nagsi-sink-in

First time ni Maine Mendoza humarap sa entertainment press, kaya aniya sa presscon ng “My Bebe Love,” medyo kinakabahan siya. “Carry naman,” she said.

Aniya, gusto niya talagang mag-artista. Hindi pa nagsi-sink in sa kanya at sobrang surreal. “Ang bilis ng mga pangyayari. Sobrang thankful ako. Hindi ko nararamdamang sikat na ako. Hindi ko iniisip. Ayokong isipin.”

Nilinaw ni Maine na walang dapat pag-awayan kaugnay ng isyung diumano’y si Julie Anne San Jose ang real-life girlfriend ni Alden Richards. Misunderstanding lang daw ’yun.

Itinanggi ni Alden na girlfriend niya si Julie Anne. Aniya, very much single siya. Walang ibang babae. Ipinagtanggol niya ang AlDub Nation. Aniya, hindi naman possessive ang fans nila ni Maine. Na-hurt lang daw ang mga ito.

May namamagitan na bang “something” between them? “Secret! Sa amin na lang po. Kinikilala pa lang namin ang isa’t isa,” saad ni Maine. “Basta masaya lang kami. Enjoy ako kasama si Maine. Enjoy akong katrabaho siya. Komportable ako sa kanya.”

Ayon pa kay Alden, hindi imposibleng madebelop (o ma-in love) siya kay Maine. “Huwag nating pangunahan. Tingnan na lang natin,” he said.

Good karma

Kung ayaw gamitin ni Julia Barretto ang apelyidong Baldivia (tunay na apelyido ng tatay niyang si Dennis Padilla), proud naman si Janella sa apelyidong Salvador ng biological dad niyang si Juan Miguel.

Ayon kay Janella, kahit lumaki siyang hindi ito kapiling, never siyang nagtanim ng sama ng loob o galit sa kanyang daddy. Kita n’yo naman, good karma si Janella. Gumaganda na ang takbo ng kanyang showbiz career. Dumarating ang blessings sa kanya.

Pinagkatiwalaan siya ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde na magbida sa 2015 Metro Manila Film Festival entry, ang “Haunted Mansion.” Kasama ni Janella sina Marlo Mortel at Jerome Ponce.

Ayon kay Roselle, much better ang “Haunted Mansion” kesa “Shake, Rattle and Roll” series. Mas nakakatakot at ibang-iba.

Sobrang bilib naman si Mother Lily sa “Haunted Mansion,” kaya hindi na SRR series ang ginawa ng Regal Entertainment.

Sobrang bilib din siya sa newest “babies” niyang sina Janella, Marlo at Jerome.

comments