Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vice binukong may GF na si Coco

Vice binukong may GF na si Coco

Vice Ganda

NAGSILBING motivation kay Carla Abellana ang pangba-bash sa kanya na tabachingching siya, kaya naman kinarir niya ang pagpapapayat. Dahil sa regular exercise, achieved na ng Kapuso actress ang balingkinitang katawan. Wala na ang bilugan niyang mukha at malalaking braso na pansin na pansin kapag naka-sleeveless outfit siya.

Ganda-gandahan at seksi-seksihan si Carla nang humarap siya sa entertainment press noong contract-signing niya sa ATC Healthcare bilang endorser ng Vita-E softgel capsule. Aniya, hindi sapat na beautiful ka lang, dapat may radiant at glowing skin din.

Ang beauty secrets niya? “Nag-aalis ako ng make-up bago matulog sa gabi. Naglalagay ako ng moisturizer. Pag umaalis ako ng bahay, naglalagay ako ng sunblock,” ani Carla.

Aniya pa, umiinom siya ng maraming tubig at kumakain ng gulay. Bukod du’n, umiinom siya ng Vita-E. “It helps boost our immune system. Trusted ko na ang ATC Healthcare. Maganda ang track record nila sa kanilang mga produkto, isa na itong Vita-E softgel capsule,” saad ni Carla.

Sa contract-signing niya cum presscon, naitanong kay Carla ang isyu kina Tom Rodriguez at Cacai Cortez. Ani Carla, ayaw niyang palakihin pa ’yon dahil past is past. Deadma na lang si Carla sa mga sinabi ni Cacai tungkol sa nakaraan nila ni Tom at diumano’y pagiging well-endowed nito.

Ani Carla, waste of time at hindi worth na ungkatin pa niya kay Tom kung anuman ang nakaraan nito at ni Cacai.

Itinanggi ni Carla na in-unfriend na niya si Cacai sa Facebook. Pero ayon sa isang interbyu kay Cacai, in-unfriend na siya ni Carla. Sino kaya ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling kina Carla at Cacai?

Buking!

Sa presscon ng “Beauty and the Bestie,” parang inamin na rin ni Vice Ganda na may girlfriend si Coco Martin.

Tinanong kasi si Vice kung may dyowa si Coco. “Ayokong magsalita. Ayokong manggaling sa akin na oo,” sabi ni Vice.

Nang tanungin si Coco kung nagsisimula ba sa letter J ang pangalan, panay lang ang tawa ng Kapamilya actor. “Bata pa, eh! Baka next year siguro,” pahapyaw niyang sabi. Ikaw ba ’yun Julia Montes?

Ayon kay Vice, matagal na silang BFF (Best Friends Forever) ni Coco, kaya alam nila ang lahat-lahat tungkol sa isa’t isa. Magkakilala na sila at naging magkaibigan noong hindi pa sila mga artista. Waiter noon si Coco sa Max’s restaurant at stand-up comedian naman si Vice sa isang comedy bar.

“Alam lahat ni Coco ang isyu sa akin. Kahit bihira kaming magkita ngayon dahil pareho kaming busy sa aming trabaho, nagte-text at nagtatawagan kami. Alam niyang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Hindi ako natatakot tumandang mag-isa dahil ’andiyan si Coco,” pahayag ni Vice.

Entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival ang “Beauty and the Bestie,” directed by Wenn Deramas. Ayon kay Vice, ayaw nilang magpa-pressure sa box-office threat ng ibang filmfest entries.

“Basta pinaghusayan naming lahat ng cast. Positive lang ang dating sa amin. Huwag lamunin ng nerbiyos,” wika ni Vice.

Tampok din sa “Beauty and the Bestie” sina James Reid, Nadine Lustre, Karla Estrada, Ryan Bang, Badji Mortiz, MC Calaquian, Lassy at child stars na sina Marco Masa at Alonzo Muhlach.

comments