Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sarah now wants to make life, career decisions on her own

Sarah now wants to make life, career decisions on her own

sarah

FIRST movie ni Janine Gutierrez ang “Buy Now, Die Later” at first festival movie niya ito, kaya sobrang excited siyang mag-join sa gaganaping Parade of Stars ng 2015 Metro Manila Film Festival.

Young Lotlot de Leon (her real-life mother) ang role ni Janine at aniya’y pinanood niya ang mga pelikula noon ng kanyang mama.

Ayon kay Janine sa pocket presscon ng GMA Artist Center for her, hindi niya alam na kasama siya sa naturang movie. Sinorpresa siya ng kanyang mama Lotlot nang sabihin nito sa kanyang kasama siya sa “Buy Now, Die Later.” Entry ito ng Quantum Films sa MMFF kung saan tampok ang mga Kapamilya stars na sina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, John Lapus at TJ Trinidad. Directed by Randolph Longjaz.

Ani Janine, hindi siya nailang katrabaho ang Kapamilya stars. “Okey sila. Masayang katrabaho. Masaya kami sa set,” ani Janine.

Going strong

Sa paglipat ni Elmo Ma-galona sa ABS-CBN, suportado niya ang kanyang boyfriend, ani Janine. Career move ’yun ni Elmo at ayaw niyang maging hadlang.

Walang nababago sa kani-lang relasyon at going strong ito, anang Kapuso actress. Nagkikita pa rin sila.

Ani Janine, natatawa nalang sila pareho ni Elmo sa mga nagsasabing maghihiwalay rin sila dahil magkahiwalay na sila ng pinagtatrabahuhang network.

“Okey kami ni Mo. Masaya pa rin ang Pasko namin. Wala pa akong naiisip na Christmas gift sa kanya. For sure, meron akong ibibigay sa kanya,” saad ni Janine.

Two years din silang nagkatrabaho ni Elmo sa GMA at ayon kay Janine, nasanay siyang magkasama sila, kaya medyo naninibago siya. Two years pa ang kontrata ni Janine sa Kapuso Network at aniya, masaya siya dahil inaalagaan siya ng network. Wala raw dahilan para lumipat siya o sundan si Elmo sa ABS-CBN.

Nabuwag tuloy ang kanilang love team. “Hindi bale nang walang love team, basta may lovelife (laughs),” sambit ni Janine.

Handa na kaya?

Gusto na raw ni Sarah Geronimo na siya na ang magdedesisyon sa mga bagay-bagay sa kanyang buhay at career. Nasa wastong edad na naman siya. Malapit na siyang mag-liyebo tres at dapat lang na payagan na siya ng kanyang parents na magdesisyon para sasarili niya. Hindi naman forever ay nakadepende siya sa kanyang parents.

Handa na rin kaya si Sarah ipaglaban at pa-nindigan ang relasyon nila ni Matteo Guidicelli? How true, napag-uusapan na nila ang kasal?

By the way, released na ang bagong album ni Sarah, “The Great Unknown” under Viva Records. Si Sarah rin ang producer with Civ Fontanilla. This is her 12th album at available na sa iTunes for download and can be listened to on music services like Spotify, Deezer, Rdio and Guvera. Available rin ang CDs nito sa mga record bar outlets nationwide.

And more

Sa “Destiny Rose,” muntik nang mabulatlat ni Jasmine ang passport ni Destiny Rose kung saan nakaipit ang ID ni Joey.

Nakita ni Jasmine na magkakasama sina Destiny Rose, Daisy at April, kaya nagduda siya.

Sinundan niya ang mga ito at narinig niyang tinawag na mama ni Destiny Rose si Daisy.

Sa “MariMar,” naghihirap na sina Angelika at Antonia. Ayaw pa rin sabihin ni Bella kay Sergio na anak nila si Cruzita. Magigising na si Renato at sasabihing si Nicandro ang bumaril sa kanya.

comments