Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Coco gusto nang mag-asawa

Coco gusto nang mag-asawa

Coco Martin

KINE-CLAIM ni Vice Ganda na mangunguna sa 2015 Metro Manila Film Festival ang “Beauty and the Bestie” kung saan sanib-puwersa sila ni Coco Martin. Positive thinker siya. Aniya, ayaw niyang mag-entertain ng negative thoughts.

Hindi siya nati-threaten sa ibang festival entries dahil confident siyang maganda at maipagmamalaki ang movie nila.

Good vibes lang.

Kung may AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza) ang “My Bebe Love (#KiligPaMore!),” meron namang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) ang “Beauty and the Bestie.”

Puring-puri ni Coco sina James at Nadine. Aniya, wala silang naging problema ni Vice sa pakikipagtrabaho sa mga ito.

By the way, totoo kayang gusto na raw mag-asawa ni Coco? Nasa marrying age na siya (he’s 34 years old) at financially stable na. Can afford na siyang bumuo ng sariling pamilya. Nabigyan na niya ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at kapatid.

Sino kaya ang masuwerteng babaeng pakakasalan ni Coco? Ikaw ba ’yun Julia Montes? Abang-abang na lang pag may time.

Hands-on mom

Kinakarir ni Marian Rivera ang pagiging full-time mother kay Baby Letizia, panganay nilang anak ni Dingdong Dantes. Hands-on mom ang Kapuso Primetime Queen at nag-e-enjoy siya sa pagiging nanay.

Kahit busy sa pag-aalaga ng kanilang baby, she took time out para makadalo sa Christmas party ng DongYan fans.

Sumama si Marian kay Dingdong para sorpresahin ang kanilang fans. Akala kasi ng mga ito’y si Dingdong lang ang makakapunta, kaya sobrang tuwa nila nang dumating ang mag-asawa.

Hindi pa masabi ni Marian kung kailan siya babalik sa showbiz dahil sobrang tutok siya sa pag-aalaga kay Baby Letizia. Magwa-one month old na ang bagets on Dec. 23. First Christmas ng Dantes couple with their Baby Letizia, kaya sobrang happy silang isa na silang pamilya ngayong Pasko.

New Year countdown

Si Alden Richards ang host sa gaganaping “Countdown to 2016” sa SM Mall of Asia on Dec. 31. Co-hosts niya sina Kris Bernal at Betong Sumaya. Bakit kaya hindi si Maine Mendoza ang co-host ni Alden?

Yearly ay ginagawa ng GMA Network ang New Year countdown, tampok ang mga Kapuso stars.

Final Judgment

Ngayong Sabado na ang “Starstruck Final Judgment.” Magkakaalaman na kung sino sa Final 4 na sina Klea Pineda, Elyson de Dios, Ayra Mariano at Migo Adecer ang tatanghaling Ultimate Male and Female Survivor.

Get-together

May simpleng luncheon get-together ngayong Sabado with the entertainment press si Senator Grace Poe. Ito’y bilang pasasalamat sa mga sumusuportang writers sa kanya mula’t sapul noong pasukin niya ang mundo ng pulitika.

Ngayong nahaharap siya sa malaking pagsubok sa kanyang kandidatura bilang presidentiable, hangad ng press friends and supporters niyang nawa’y malampasan niya ito.

Kaabang-abang kung may mahalagang announcement si Senator Grace Poe. Tuloy pa rin kaya ang laban?

comments