Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Heart gusto nang magka-baby

Heart gusto nang magka-baby

heart enangelista

NALALAPIT na ang pagtatapos ng “MariMar” at sobrang thankful si Tom Rodriguez sa fans and supporters ng nasabing GMA Primetime series. Naging close sila ni Megan Young pati sa iba nilang co-workers at kay direk Dominic Zapata. Ani Tom, mami-miss niya ang mga ito, lalo na ang bonding moments nila sa set.

Si Ricardo Cepeda na gumaganap bilang Renato na ama niya ay kalaro niya at kakulitan sa video games, ayon kay Tom.

Idol naman niya sa pagpipinta si Cris Villanueva na gumaganap bilang Padre Sito. Napamahal at napalapit din kay Tom si Ashley Cabrera na gumaganap bilang Cruzita, anak nila ni Bella/Marimar (Megan Young). “She’s a very cute and smart girl,” ani Tom.

Pati ang asong si Fulgoso, mami-miss niya, ayon kay Tom. Gusto nga niya itong iuwi. “Lahat sila, the cast, production staff and crew, pati utility, mami-miss ko. We have a good working relationship since Day 1 ng taping namin,” saad ni Tom.

Papuntang Osaka, Japan ngayon ang Kapuso actor para makapiling ang kanyang mga kapatid na naka-base roon kasama ang kanilang respective families. Sa Arizona, USA naman naka-base ang kanyang parents. Sa Jan. 3, 2016 ang balik ni Tom sa Pilipinas.

Siguro naman, magkasamang nag-celebrate ng Pasko o Christmas eve sina Tom at Carla Abellana. First Christmas nila ito together. Papasok na ang 2016, aamin na kaya sila sa totoong estado ng kanilang relasyon? O, kiyeme-kiyemeng wala pa ring label ang namamagitang relasyon nila?

Happy family

For sure, super happy ang celebration ng Pasko kahapon ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Meron na kasi silang little bundle of joy, si Baby Maria Letizia. One month old na ang bagets noong Dec. 23.

First Christmas ito na isa na silang pamilya. First wedding anniversary naman nina Dingdong at Marian on Dec. 30.

How time flies! Last year lang, nasaksihan ng madlang pipol ang “Royal” wedding ng Kapuso Primetime King and Queen.

Ngayon ay may “Royal” baby na sila.

Handa na

First Christmas din together as husband and wife nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista. ’Yun nga lang, wala pa silang baby. Sabagay, may dalawang anak na si Sen. Chiz sa first wife niya. Happy family na rin sila dahil feeling mommy na rin si Heart sa kambal na anak ng kanyang husband.

They get along well at never nagka-problema si Heart sa kanyang stepchildren. Feel na rin ng Kapuso actress magkaroon ng sariling baby nila ni Sen. Chiz. Excited na rin siyang maranasan ang maging isang tunay na ina.

First wedding anniversary ng Escudero couple on February 15, 2016 at magkakaroon sila ng simple renewal of vows. Hopefully, magka-baby na sila bago matapos ang 2016.

First Christmas

Kung tama kami, first Christmas din nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales bilang couple. Early or mid this year nila inamin na officially together sila.

Si Kris Aquino ang nag-play Cupid sa kanila. Madalas kasing mag-guest magkasama sina Daniel at Erich sa “Kris TV.”

Nagkasama pa sila sa isang teleserye ng ABS-CBN.

May bagong teleserye ngayong 2016 sina Daniel at Erich, “Be My Lady.” Ipinapalabas na ang teaser nito. Tampok din sina Janice de Belen at Priscilla Meirelles, ex at present wives, respectively, ni John Estrada. Sana, isinama na rin sa cast si John.

New shows

Bukod sa “Be My Lady,” may tatlo pang bagong teleserye ang Kapamilya Network na ipapalabas sa early part ng 2016.

Tampok sina Kim Chiu at Xian Lim sa “Story of Us.” One week silang nag-taping sa Coron, Palawan para sa ilang eksena at ani Kim, nakapag-super bonding sila roon ni Xian.

Sa Palawan din sila nag-shoot ng ilang eksena para sa pelikulang “All You Need is Pag-ibig,” entry ng Star Cinema sa ongoing 2015 Metro Manila Film Festival.

May tsika nga pala kaming nasagap na sinundo ni Kim si Xian sa isang gym noong nalaman niyang nagsusuka ang aktor sa CR (comfort room) nito. Baka may kung ano’ng nakain si Xian, kaya sumama ang pakiramdam niya.

Sa teleseryeng “Written in the Stars,” tampok naman sina Toni Gonzaga, Piolo Pascual, Sam Milby, Jolina Magdangal at Sarah Lahbati.

Sina Zanjoe Marudo at Cristine Reyes naman ang magkatambal sa “Tubig at Langis.” So, there! Kaabang-abang ang mga bagong teleserye ng Kapamilya Network.

Manganganak na

Inaabangan naman ngayon ang panganganak ni Judy Ann Santos sa second baby nila ni Ryan Agoncillo. Any day now, nakatakdang magsilang si Juday ng isang baby girl.

Baka nga maging New Year baby pa ito. Excited na sina Ryan at Juday, pati ang mga anak nilang sina Lucho at Yohan makita ang kanilang baby sister.

comments