Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Claudine hindi maka-move on

Claudine hindi maka-move on

Claudine barretto

AT least, kahit ilang araw lang ay nakapagbakasyon si Alden Richards ngayong Holiday break. Talagang sinulit niya ang pakikipag-bonding sa kanyang pamilya. Sa Tali beach resort sa Batangas sila nagsama-sama ng kanyang pamilya at ilang kamag-anak.

Ninamnam talaga ni Alden ang rest days niya. Kumbaga, nakapag-recharge siya. Balik na naman siya sa pagiging busy body at mamaya ay nasa SM Mall of Asia seaside siya. Siya ang host sa gaganaping “Countdown to 2016” ng GMA7 at co-hosts niya sina Kris Bernal at Betong Sumaya.

Tampok naman ang Kapuso stars na sina Rocco Nacino, Mark Herras, Sef Cadayona, Julian Trono, Winwyn Marquez, Mayton Eugenio, Gerphil Flores, Starstruck Top 6, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Gabbi Garcia, Ruru Madrid at marami pang iba.

Lahat ay inaanyayahang dumating na naka-costume. Mag-post ng greetings at selfies gamit ang hashtag na #kapuso2016. Ang mapipili ay makakasama ni Alden sa isang production number.

Gates open at 5 p.m. at live telecast begins at 11 p.m. See you at the SM MOA, mga Kapuso.

Mami-miss

For sure, mami-miss ni German Moreno ang pagho-host sa GMA “Countdown.” Yearly kasi’y bahagi nito si Kuya Germs.

Unfortunately, last year, matapos ang GMA “Countdown” ay nagka-mild stroke si Kuya Germs. Thank God, naka-survive siya. Naka-recover na siya at bumabalik na ang sigla ng kanyang katawan.

Regular pa rin ang pagpapa-therapy ni Kuya Germs at checkup ng kanyang mga doctor sa St. Luke’s Hospital (QC). Wish namin for him ngayong 2016, good health and long life para maipagpatuloy niya ang pagtulong sa mga baguhan sa showbiz.

Di nagkamali

Hindi nagkamali si Mother Lily Monteverde na isali sa Metro Manila Film Festival ang “Haunted Mansion” sa halip na “Shake, Rattle and Roll.” Masaya ang Regal producer dahil tinangkilik at sinuportahan ang “Haunted Mansion” kahit mga baguhan ang gumanap.

Nasa pangatlong ranking ang HM sa walong festival entries. Wala pang official na pahayag ang MMFF, kaya pwedeng magbago pa ang ranking ng mga ito.

Happy of course ang mga bida ng HM na sina Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce na sinuportahan ng moviegoers ang kanilang pelikula. Puring-puri ng mga nanood ang akting ni Janella. Sakto lang at tamang timpla ng pag-arte ang ipinamalas niya.

Mai-push lang nang husto ang career ni Janella, chances are, magiging important star siya ng kanyang henerasyon.

Push! Push lang.

Greatest love?

Matapos i-post ni Claudine Barretto sa kanyang social media account ang family picture nila ng estranged husband niyang si Raymart Santiago at mga anak na sina Sabina at Santino na magkakasama sila noong nakaraang Pasko, a few days after ay nag-post naman si Claudine ng handwritten love letter sa kanya ng namayapa niyang ex-boyfriend na si Rico Yan.

Heto ang handwritten love letter ni Rico kay Claudine:

To my honey,

By the time you read this, I must be in CDO already. Just want to thank you for last night. You were wonderful. And because of that, I’m gonna have a hard time sleeping without you by my side tonight.

But nevertheless, I still love you very much. Mwah!!! Rico.”

Sari-saring komento ang narinig namin mula sa mga nakabasa sa post ni Claudine. Ano raw ba ang gusto niyang palabasin? Hindi pa raw ba siya totally nakaka-move on sa pagkawala ni Rico? He must be her greatest love.

Ano kayang reaction ni Raymart sa post na ’yun ni Claudine? Hanggang ngayon pala’y naitatago pa rin ni Claudine ang love letter sa kanya ni Rico. Ibig sabihin, kahit kasal na siya kay Raymart, noong nagsasama pa sila hanggang naghiwalay sila’y iniingatan pa rin ni Claudine ang love letter sa kanya ni Rico. Posibleng iniingatan pa rin ng aktres ang iba pang naibigay sa kanya ni Rico.

Nanganganib

Sa “Destiny Rose,” nag-aalala si Daisy (Manilyn Reynes) para kay Destiny (Ken Chan) dahil kay Lance (JC Tiuseco).

Nanganganib si Destiny kay Lance.

Hihingi si Daisy ng tulong kay Lito (Joko Diaz) for police protection para kay Destiny. Magwawala si Jasmine (Katrina Halili) sa airport dahil wala nang tiket papuntang Leyte. Nagbanta siyang pasabugin ang airport.

Sa “MariMar,” magmamakaawa si Bella/Marimar kay Rodolfo na pakawalan na siya. Matutunton ni Sergio ang pinagdalhan kay Bella/Marimar katulong ang mga pulis. Babarilin ni Rodolfo si Sergio.

comments