Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Janella to be groomed as next Sarah G.

Janella to be groomed as next Sarah G.

Janella Salvador

DAHIL sa tagumpay ng “Haunted Mansion” na pinagbidahan ni Janella Salvador, may tsikang nakarating sa amin na diumano’y ipu-push to the max ng ABS-CBN ang career ng Kapamilya teen star.

May gagawin nang teleserye si Janella ngayong 2016 na si Elmo Magalona ang kanyang kapareha. Susubukan ang kanilang love team, kaya pinaghiwalay na ang love team nina Janella at Marlo Mortel. Ka-triangle pa nila si Jerome Ponce.

How true, ipa-pattern sa career ni Sarah Geronimo ang pagpu-push kay Janella? Can sing, can act din kasi si Janella.

Namana niya ang talent sa pagkanta sa mga magulang niyang sina Juan Miguel Salvador at Janine Desiderio.

Si Janella na nga ba ang bagong Sarah Geronimo ng Kapamilya Network? Threat nga ba si Janella kay Julia Barretto?

Maungusan kaya niya si Julia?

Ayon sa supporters ni Janella, may K (karapatan) naman ang kanilang idolo para pabonggahin ng ABS-CBN ang kanyang career. She’s very talented, bukod pa sa wala siyang attitude. Good daughter din si Janella dahil kahit lumaki siya’t nagkaisip na hindi niya kapiling ang kanyang biological father, never siyang nagtanim ng galit o sama ng loob.

Nag-effort pa nga si Janella puntahan ang kanyang daddy sa isang gig nito. Never din niyang inisip o binalak ilaglag ang apelyidong Salvador.

Birthday boy

Birthday ni Fabio Ide noong Dec. 26 at isang simpleng celebration lang ang naganap sa kanyang 32nd birthday. Kasama niya ang ilang close friends sa isang beach sa La Union.

Anang Brazilian-Japanese model turned actor, hindi siya mahilig sa bonggang celebration. Sapat na ’yung kapiling niya ang mga malalapit niyang kaibigan at masaya na siya.

Feeling blessed si Fabio dahil binigyan siya ng break ng GMA. Binigyan siya ng lead role sa “Destiny Rose” bilang love interest ni Ken Chan (Joey/Destiny Rose). Ka-triangle pa nila si Katrina Halili (Jasmine).

Wish lang ni Fabio na mabigyan pa siya ng maraming projects ng Kapuso Network kapag natapos ang “Destiny Rose.”

Aniya, sobrang nag-e-enjoy siya sa pagtatrabaho sa naturang afternoon primetime series ng GMA.

Kinakarir nga ni Fabio ang pag-aaral magsalita ng Tagalog para hindi siya mawalan ng trabaho.

Avid fan

Super touched naman si Kris Bernal sa isang avid fan niyang naka-base sa United States. Umuwi pa ito sa Pilipinas ngayong Holiday Season para lang makita siya nang personal.

May pasalubong pa ito kay Kris na isang cross stitch na picture niya.

Super thankful naman ang Kapuso actress sa magandang pagtanggap ng televiewers sa “Little Nanay.” Magaganda ang reviews at feedback sa role na ginagampanan niya bilang Tinay na may ID (Intellectual Disability). Kering-carry ni Kris ang kanyang karakter.

Nagtatanong naman ang fans nila ni Aljur Abrenica kung kailan daw ba sila muling pagsasamahin ng GMA sa isang teleserye? Nasasabik na raw silang muling mapanood ang tambalang Aljur at Kris.

Bagong teleserye

Inaabangan na ng LizQuen fans ang bagong teleserye nina Liza Soberano at Enrique Gil sa ABS-CBN. Ipinapalabas na ang teaser ng “Dolce Amore.”

Kung sa “Forevermore” ay mahirap ang karakter ni Liza, rich girl naman siya sa “Dolce Amore.” Si Enrique naman ang poor boy, kabaliktaran ng karakter niya sa “Forevermore.”

By the way, marami pa rin ang umaasang si Liza ang gaganap na bagong Darna sa movie version nito. Nag-back out kasi si Angel Locsin due to health problem. Kamakailan ay inoperahan siya sa Singapore.

Sa mga sinehan sa isang mall sa QC, ipinapalabas ang teaser ng “Darna.” Pero walang ipinapakitang mukha kung sino ang gaganap na Darna. Abang-abang na lang tayo sa official announcement ng Star Cinema. Ngayong 2016 nakatakdang simulan ang shooting ng “Darna.”

Turning 18 na ngayong January si Liza. Walang bonggang birthday celebration ang Kapamilya actress. Sa past interview kay Liza, sinabi niyang gusto niyang mag-birthday abroad. Tuparin kaya ni Enrique ang sinabi niya noon na European trip ang birthday gift niya kay Liza?

comments