Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Solenn postpones wedding

Solenn postpones wedding

Solenn Heussaff and Nico Bolzicco

INAABANGAN na ang mga bagong show ng tatlong networks, ABS-CBN, GMA at TV5. Sa first quarter ng 2016, may mga naka-line-up na ang Kapamilya Network.

Ipinapakita na ang teasers/trailers ng mga bagong show ng ABS-CBN. “Written in the Stars” nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Jolina Magdangal; “Dolce Amore” nina Enrique Gil at Liza Soberano; “Be My Lady” nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. Meron din sina Elmo Magalona at Janella Salvador na nakalimutan namin ang title.

Inaabangan naman sa GMA ang “Wish I May” nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. ’Heard, magkakaroon din ng teleserye sina Alden Richards at Maine Mendoza. Magkakaroon din ng remake ng fantaseryeng “Encantadia.” Nagpa-audition na ang Kapuso Network.

Balik-TV

Sa TV5, inaabangan ang pagbabalik ni Richard Gutierrez sa pagganap niya bilang Panday sa remake nito. May soap opera rin na pagbibidahan ng isang multi-media star.

May teleserye ring pagsasamahan nina Claudine Barretto at Diether Ocampo, ang remake ng “Bakit Manipis ang Ulap?”

May remake rin ng “Tasya Fantasya.” Ibabalik din ang “Mga Kuwento ni Lola Basyang.” May horror anthology, “Kagat ng Dilim.” Iho-host naman ni Ogie Alcasid ang “Born to Be a Star” na ang judges ay sina Aiza Seguerra, Mark Bautista at Rico Blanco.

Inaabangan din ang paglipat sa TV5 ng isang top female star mula sa isang giant network. Sampung bagong shows ang ilo-launch ng TV5 ngayong first quarter ng 2016. Mukhang gagawin lahat ng bagong pamunuan ng entertainment department headed by Mr. Vic del Rosario in collaboration with Atty. Bebong Muñoz na pabonggahin ang Kapatid/Happy Network. May mga pasabog silang inihanda. Abang-abang na lang sa mga kaganapan.

Inaabangan

Inaabangan na ang wedding nina Vic Sotto at Pauleen Luna na nakatakda ngayong January. Sabi ni Vic, abangan sa “Eat Bulaga” ang mga pahayag na gagawin niya kaugnay ng nalalapit nilang kasal ni Pauleen.

Simple wedding lang ang magaganap kina Vic at Pauleen. Nasira ang pahayag noon ng manager ni Pauleen na si Lolit Solis na hindi pakakasalan ni Vic ang kanyang alaga. Hindi naniniwala si Lolit na pakakasalan ni Vic si Pauleen dahil aniya, may track record si Vic na hanggang girlfriend lang ang mga nakakarelasyon nito.

Must be true love ang naramdaman ni Vic for Pauleen, kaya pakakasalan niya ito. Dumating sa tamang panahon ang tunay na pag-ibig ni Vic sa isang babae sa katauhan ni Pauleen.

Beach wedding

Ngayong January rin ang kasal nina Cristine Reyes at Alih Khatibi. Beach wedding ang magaganap sa kanila. Mga respective families, relatives and some close friends ang imbitado.

Ang original plan ay sa bagong bahay sana nina Cristine at Alih ang kanilang kasal. Pero hindi natapos sa takdang panahon ang ipinapagawa nilang bahay. Kaya sa isang beach resort sila magpapakasal. May anak na sila named Amara.

Naunahan pa ni Cristine ang kanyang Ate Ara Mina. May anak na rin si Ara, courtesy of Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. Nag-one year old ang anak nilang si Amanda Gabrielle (Mandy for short) noong Dec. 17. Bagaman hiwalay na sina Ara at Mayor Patrick, parang isang buong pamilya pa rin sila noong birthday celebration ng kanilang anak. Who knows, baka magkabalikan sina Ara at Patrick? To quote Ara sa isang interbyu sa kanya noon, “You can never can (sic) tell.” Unforgettable line ’yun ni Ara, remember?

Inaabangan din

Inaabangan din ngayong 2016 ang kasal ni Zsa Zsa Padilla and her fiancé na si Architect Conrad Onglao. Last year pa sila officially engaged. Naganap ang marriage proposal ni Architect Conrad kay Zsa Zsa sa isang trip nila abroad.

May pahayag noon si Zsa Zsa na early 2016 ang kasal nila ni Architect Conrad. Abang-abang na lang.

Postponed?

Last year din nagpahayag si Solenn Heussaff na officially engaged na sila ng long-time Argentinian boyfriend niyang si Nico Bolzico. Ipinahayag din ni Solenn na ngayong 2016 ang kasal nila.

How true na ayaw na raw munang ituloy ni Solenn ang kasal nila ngayong taong ito? May nabasa kami sa isang tabloid na diumano’y ipinagpaliban nila ang kanilang kasal. How true na diumano’y na-realize raw ni Solenn na hindi pa siya handang maging legal wife?

Matagal na silang live-in partners ni Nico at kulang na lang ang basbas ng kasal. For sure, kilalang-kilala na nila ang isa’t isa. Thirty something na si Solenn, nasa marrying age na siya.

Gusto lang sigurong ma-enjoy ni Solenn to the fullest ang kanyang showbiz career. May gusto pa siguro siyang mapatunayan. Napapanood si Solenn sa “MariMar” bilang Cappucinna, ang naghubog at nagsanay kay Marimar (Megan Young) sa transformation nito bilang Bella Aldama. Last two weeks na lang sa ere ang “MariMar” at kaabang-abang ang mga kaganapan sa nalalapit na pagtatapos nito.

comments