Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Chynna, Kean kasal na

Chynna, Kean kasal na

Chynna Ortaleza

Advanced and deadline namin para sa nakaraang Sunday kolum namin dahil sa Holiday break, kaya hindi naihabol ang naganap na civil wedding nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico bago natapos ang taong 2015. Isang simpleng kasalan ‘yun na ginanap sa Argentina kung saan taga roon si Nico. Naiulat kasi namin na postponed ang kanilang kasal base sa lumabas sa isang tabloid. We stand corrected. Sorry po! Tao lang.

In any case, ang aming pagbati sa mga bagong kasal. Congratulations and best wishes! Legal na ang pagsasama ngayon nina Solenn at Nico na four (or five?) years silang nag-live-in. Legal wife na si Solenn na Mrs. Nico Bolzico na ngayon.

Kasal na rin

Marami naman ang nabigla sa pahayag nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano sa kanilang respective Instragram accounts na kasal na sila. How true kaya ang tsika na diumano, pregnant na si Chynna, kaya biglaan ang kasal nila?

Diumano pa rin, may nakakita kay Chynna na tipong may baby bump noong magkasama silang namili ni Kean sa isang department store ng ilang kagamitan sa bahay.

Whatever! At least, pinanagutan ni Kean si Chynna. Pinakasalan niya ang Kapuso star. Must be true love ang naramdaman ni Kean kay Chynna, kaya hindi na niya ito pinakawalan. Sa isang interbyu kay Kean, sinabi niyang si Chynna ang most beautiful woman he ever met.

Sina Alex Gonzaga (although hindi niya inamin), Danita Paner at Arci Muñoz ang sa pagkaalam namin ay naging girlfriends ni Kean. Si Railey Valeroso naman ang only showbiz guy na naging boyfriend ni Chynna. They were together for ten years.

Happiest birthday

Kumpleto sana ang kaligayahan ni Alden Richards sa kanyang 24th birthday kung nabubuhay pa ang kanyang mommy.

Napaiyak ang Pambansang Bae noong celebration niya sa “Eat Bulaga.” Aniya, para sa kanyang namayapang mommy ang lahat ng ginagawa niya. Ang mommy niya kasi ang may gustong mag-artista siya (Alden).

Nakakalungkot lang na pumanaw ito bago pa naging artista si Alden. Namatay sa kanser ang kanyang mommy. Feeling ni Alden, kung nasaan man ngayon ang kanyang mommy ay masayang-masaya ito para sa kanya at patuloy siyang ginagabayan nito.

Dalawang magkasunod na araw ang birthday celebration ni Alden. Sa “Eat Bulaga” at sa “Sunday Pinasaya“ na aniya, happiest birthday niya. Nag-effort si Maine Mendoza mag-bake ng “mainbow cake” para kay Alden, bukod pa sa birthday gift niya na nakalagay sa isang nakabalot na kawali. Pinigilan lang niya si Alden buksan kung ano’ng laman nu’n.

Binili kaya ‘yun ni Maine sa Japan?

Noong nawala ang paboritong shades ni Alden, binigyan siya ni Maine ng shades na nakalagay naman sa isang pitsel.

Ibang klase rin “magpaandar” si Maine. Very creative si Yaya Dub.

Hanga nga pala kami sa kanya nang punahin ni Wally Bayola ang red dress na suot niya sa “Eat Bulaga.” Bakit daw siya nag-ulit ng damit? “Wala po akong nakikitang masama kung mag-ulit ako ng damit,” sabi ni Maine. Isinuot niya ‘yun sa isang commercial nila ni Alden.

Kayang-kaya naman ni Maine bumili parati ng mga bagong damit, gaya ng karamihang celebrities. ‘Yung iba, isang suotan lang. Ayaw nang ulitin. Makapagpabongga lang kahit siguro hulugan o hiram lang. Si Maine, nag-uulit siya ng damit sa “Kalyeserye” sa “Eat Bulaga.” Wala siyang pakialam! Atta! Girl.

Gimmick na naman?

Nanliligaw daw si Renz Fernandez kay Kris Bernal? Owwwsss??? Magkasama kasi sila sa isang GMA primetime series, kaya siguro may gano’ng “paandar.”

Ano’ng nangyari sa tsika noon na nanliligaw si Lucho Ayala kay Kris? Saglit lang pinag-usapan ‘yun. Ni wala nga yatang nagka-interest na para bang, “Eh! Ano naman?” ang reaction ng nakakarami. Care ba nila? Nasaan na nga ba si Lucho na dati’y “suki” sa GMA shows?

Noong nagkasama sina Renz at LJ Reyes sa “Yagit,” natsika ring diumano’y nanliligaw si Renz kay LJ. Pero ang totoo pala, si Paolo Contis na kasama rin sa cast ang pumoporma kay LJ. Ano na nga bang development kina LJ at Paolo?

Parang hindi maganda ang nabubuong image kay Renz. Parati siyang natsitsismis na nililigawan si ganito o si ganireng Kapuso actress matapos silang mag-break ni Maxene Magalona na Kapamilya actress na ngayon. Parang hindi naman makakatulong sa pag-unlad ng career ni Renz ang diumano’y panliligaw niya kung kani-kaninong Kapuso stars.

Si Kris Bernal pa ang natsitsika sa kanya ngayon. Mahilig lang itong “magpadama” sa mga lalaking diumano’y nagkaka-interest sa kanya. After a while, ang press release ni Kris, ayaw muna niyang mag-seryoso sa mga manliligaw niya. Kesyo, focused muna siya sa kanyang career.

comments