Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Liza naudlot ang Paris birthday trip

Liza naudlot ang Paris birthday trip

enrique and liza

HINDI natuloy ang Paris trip ni Liza Soberano para doon sana mag-celebrate ng kanyang 18th birthday. Jan. 4 ang kanyang birthday, but a day before ay binigyan siyang surprise party ng kanyang pamilya, some close relatives and friends.

Ayon sa manager ni Liza na si Ogie Diaz, isang Bohemian glamping party ang ginanap sa Club Balai, Isabel, Batangas noong Jan. 3. Siyempre, present ang screen partner ni Liza na si Enrique Gil.

Si Gil ang nagsabi noon na gusto niyang isama si Liza sa Paris para doon mag-celebrate itong kanyang 18th birthday.

Dahil sa hectic schedule ni Liza, hindi natuloy ang original plan for her 18th birthday.

Dumating mula sa US ang mga half-siblings ni Liza para makiisa sa kanyang birthday celebration.

Ayon pa kay Ogie, prior sa birthday celebration ni Liza, bumisita ang kanyang “alaga” sa tatlong charity foundations, Chosen Children Homage (for abandoned children), I Can Save Foundation (breast cancer patients and survivors) at Anawin Home for the Elderly. Dagdag pa ni Ogie, nag-research pa si Liza kung alin sa mga foundation ang mas nangangailangan ng tulong at ang tatlong nabanggit ang napili ng Kapamilya star.

Sobrang proud naman si Ogie na na-feature si Liza sa December issue ng isang Italian newspaper. May article tungkol sa bagong teleseryeng gagawin ni Liza sa ABS-CBN, ang “Dolce Amore”(DA) kung saan isang Italian princess ang kanyang role. Nagpunta pa kamakailan si Liza sa Italy para kunan ang ilang eksena sa DA. Nag-shoot sila sa Bologna at Florence.

Vice inakusahang gaya-gaya

Ano kaya’ng reaction ni Vice Ganda sa “Grabe Sya” segment ng “Eat Bulaga”? Paboritong linya ’yun ni Vice sa “Beauty and the Bestie” na sayang at hindi naming nabilang kung ilang beses niyang sinabi ’yun sa kabuuan ng pelikula.

Paboritong linya na rin ’yun ng ilang co-hosts sa “Eat Bulaga.” Hindi kaya sabihan sila ni Vice ng “Grabe sila, huh!” Gawan ba ng isyu ang linyang ’yun?

Magkalaban sa 2015 Metro Manila Film Festival ang “Beauty and the Bestie” at ang “My Bebe Love(#Kilig Pa More!)” nina Vic Sotto, Alden Richards at Maine Mendoza. Nai-post ni Vice sa kanyang social media account na Number 1 na ang “Beauty and the Bestie.” Inalmahan naman ito ng AlDub Nation na anila, nangunguna pa rin ang “My Bebe Love (#Kilig Pa More!).”

Wala pang official statement ang MMFF committee. Hanggang bukas (Jan. 7) ang MMFF at sa mga susunod na araw ay ipapahayag na kung alin sa festival entries ang top grosser.

Gabbi, beauty queen material daw

Dream din pala ni Gabbi Garcia maging beauty queen. Ngayong 2016, desidido siyang mag-training para sa Binibining Pilipinas-Universe.

Sabagay, beauty queen material naman si Gabbi. Kailangan lang niyang mag-effort talaga para sa training.

Nagtatanong nga pala ang fans nila ni Ruru Madrid kung kalian sila muling mapapanood na magkasama sa isang GMA teleserye? Sa mga bagong shows ng Kapuso Network ngayong 2016, wala pa kaming balita kung meron sina Gabbi at Ruru.

Apat na bagong shows ng GMA ang ilo-launch ngayong January at February. “Wish I May” nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, “That’s My Amboy” nina Barbie Forteza at Andre Paras, “Dear Uge” ni Eugene Domingo at “The Abandoned” nina Bea Binene at Derrick Monasterio.

Katrina, sanay nang kinaiinisan

Thankful si Katrina Halili sa tuluy-tuloy na blessings sa kanya. Happy siya sa magandang pagtanggap sa “Destiny Rose” kung saan ginagampanan niya ang role bilang Jasmine. Aware siyang marami ang naiinis sa kanya sa pagpapahirap niya kay Destiny (Ken Chan).

Mamaya sa “Destiny Rose,” aawatin ni Vince (Jeric Gonzales) ang pag-aaway nina Destiny at Jasmine.

Aawayin naman ni Jasmine si Gabrielle (Fabio Ide). Sasabihin nitong wala na siyang feelings for her. Makikipag-break si Gabrielle kay Jasmine. Magmamakaawa ito na huwag siyang iwan ni Gabrielle.

comments