Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vic-Pauleen wedding date lihim pa rin

Vic-Pauleen wedding date lihim pa rin

vic n pauleen orig

SINO kaya ang mauunang ikasal kina Vic Sotto at Pauleen Luna at Cristine Reyes at Ali Khatibi? Parehong ngayong buwang ito ang kanilang kasal. Sa Jan. 27 ang Christian wedding nina Cristine at Ali. Isang simpleng kasalan lang ang magaganap na ang Pastor na mag-o-officiate at ang wife lang nito ang mga saksi, ayon kay Cristine noong nag-guest siya sa “Tonight with Boy Abunda.”

Dagdag pa ni Cristine, may mga inaasikaso pa sila ni Ali, gaya ng ipinapagawa nilang bahay, ang anak nilang si Amarah na magwa-one year old na next month. Kapag natapos na ang ipinapagawa nilang bahay at naayos nang lahat ang iba pa nilang concerns, saka sila magpapakasal muli ni Ali.

Sa isang TV interview noon kay Cristine, nabanggit niyang ang orginal plan ay sa bahay na ipinapagawa nila ni Ali ang kasal nila. Pero hindi ’yun natapos sa takdang panahon, kaya naisip nilang isang beach wedding sa isang out-of-town resort. But then, sa interbyu kay Cristine sa TWBA, naiba na naman ang plano at isang simple Christian wedding na lang muna ang magaganap. Kung saan? Hindi binanggit ni Cristine.

Samantala, balik-TV si Cristine at mapapanood siya sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang “Tubig at Langis” with Zanjoe Marudo.

Lihim pa rin ang petsa

Kahit nagpamigay na ng wedding invitations sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa mga taong gusto nilang maging bahagi ng kanilang “big day,” inililihim pa rin ang eksaktong petsa ng kanilang kasal.
Nangako si Vic na sa “Eat Bulaga” sila magbibigay ng pahayag sa mga detalye ng kanilang kasal. In any case, blooming si Pauleen sa mga lumabas na pre-nuptial solo photos niya. Inaabangan ang magkasamang pictures nila ng kanyang husband-to-be.
Kamakailan ay ginanap naman ang blessing ng house na titirahan nina Vic at Pauleen pagkatapos ng kanilang kasal. Sa isang exclusive subdivision (o village?) ’yun sa Laguna. Ang paborito nilang pari at kaibigan na si Father Jeffrey Quintala ang nag-officiate.

Birthday girl

Birthday kahapon (January 6) ni Sharon Cuneta. Golden girl na ang megastar. Nabahiran lang ng lungkot ito dahil namatay ang kanyang father-in-law na si Donato Pangilinan nitong nakaraang Lunes (January 4). Ang husband ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan ay isa sa mga anak ng yumao. Ang mga kapatid ni Sen. Kiko ay sina John, Angeli (wife ni Gary Valenciano), Joseph, Anthony at Felichi. Our condolences sa pamilya Pangilinan.

Back to Sharon, wish ng kanyang fans and supporters na magkaroon siya ng bagong show sa ABS-CBN matapos ang “Your Face Sounds Familiar,” kung saan isa siya sa mga judge. Request ng Sharonians, sana raw ay isang teleserye o musical-variety show ang ibigay sa megastar. Pwede rin daw sitcom o talk show.

Hindi naman daw kailangang magpapayat pa ni Sharon dahil pwede namang iakma ang role niya sa tabachingching niyang katawan.

Loveless pa rin?

Kung super in love ngayon si Vina Morales sa boyfriend niyang foreigner, mukhang “nganga” pa rin ang lovelife ng younger sister niyang si Shaina Magdayao. It’s been a while na single si Shaina matapos silang mag-break ni John Lloyd Cruz. May Angelica Panganiban na si JLC at going strong ang kanilang relasyon. Kailan naman kaya ang kasal nila?

Na-link si Shaina kina Piolo Pascual at Sam Milby. Pero walang pinatunguhan. ’Heard, Sam is seeing a non-showbiz girl, samantalang nananatiling single si Piolo matapos silang mag-break ni KC Concepcion.

Natsika noong diumano’y, isang foreigner ang nagpapasaya ng puso ni KC. Ano na kayang development? Walang “ingay” sa estado ng puso ngayon ni KC.

Finale week

Finale week ngayon ng “MariMar” at dapat abangan ang mga kaganapan sa pagtatapos nito ngayong Biyernes. Desperada na si Antonia (Lauren Young) na agawin kay Bella/Marimar (Megan Young) si Sergio (Tom Rodriguez). Gagawin niya ang lahat para mapigilan ang muling pagpapakasal ng dalawa.

Nagpanggap siyang buntis na si Sergio ang itinuro niyang ama. Subalit natuklasan nitong nagsisinungaling lang si Antonia. Kikidnapin naman niya si Cruzita (anak nina Sergio at Bella/Marimar). Hihingi siya ng ransom money or else, papatayin niya ang bata.

Magtagumpay kaya si Antonia na mapigilan ang kasal nina Sergio at Bella/Marimar? O, happy ending kaya para sa dalawa? Tutok lang sa “MariMar” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA7.

comments