Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Priscilla Meirelles sasabak sa akting

Priscilla Meirelles sasabak sa akting

alden

Sa kabila ng hectic schedule ni Alden Richards sa kanyang series of shows sa Middle East, he took time out para puntahan ang Safari Desert sa Dubai. Nag-enjoy siya sa naturang lugar at dinama ang kakaibang experience at view.

Ayon sa aming informant, nag-ski pa si Alden. Sinulit talaga ng Pambansang Bae ang kanyang free time at nag-enjoy sa trip niya sa Middle East. From Dubai, dumiretso si Alden sa Qatar for another show. Sa Lunes (Jan. 11) ang balik ng Kapuso actor sa Pilipinas.

Baby girl

It’s a baby girl for John Prats and Isabel Oli. Nai-post ni John sa kanyang YouTube channel, Pratty TV, ang isang special video which was shot in Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas.

Kasama ng mag-asawa ang pamilya ni John, his parents, siblings at ilang kaanak. ’Andu’n ang sister niyang si Camille and her son, Nathan. Nagpahulaan pa kung ano’ng gender ng baby nina John at Isabel. May mga humula na boy, may mga humulang girl.

May ipinagawa pang drawing o (painting?) na caricature sina John at Isabel na tinabingan nila ng tela. Nang alisin nila ’yun, bumulaga ang isang baby girl at tuwang-tuwa ang lahat. Sabik na silang makita si Baby Dynamite Feather.

What a name! Parang tunog boksingera. Joke!

Baby girl din

Baby girl din ang isisilang ni Judy Ann Santos anyday this month. Akala nga nila ni Ryan Agoncillo ay magiging New Year baby ang kanilang third child. Last week of December or first week ngayong January ang due date ni Juday.

Juana Luna ang ipapangalan nila sa kanilang baby na kinasasabikan na ring Makita nina Yohan at Lucho, panganay at pangalawang anak nina Ryan at Juday.

First time

First time sasabak sa aktingan si Priscilla Meirelles, dating Miss Earth at asawa ngayon ni John Estrada. Ang payo raw sa kanya ni John, just be natural sa kanyang pag-arte.

Kasama si Priscilla sa cast ng “Be My Lady” na pagbibidahan ng real-life sweethearts na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Cute at may kilig factor ang ipinapakita ng teaser/trailer nito na malapit nang mapanood sa ABS-CBN.

Sa guesting ni Priscilla sa “Tonight with Boy Abunda,” tinanong siya ni Boy kung ano’ng napapansin niya kina Erich at Daniel kapag nasa set silang “Be My Lady” at kung sa tingin ba raw niya’y hahantong sa kasalan ang relasyon ng dalawa. Ayon kay Priscilla, very sweet sina Erich at Daniel. Wife material daw si Erich, kaya dapat ay i-grab na ito ni Daniel. Kumbaga, huwag nang pakawalan ni Daniel si Erich.

Kasama rin sa cast si Janice de Belen na ex-wife ni John Estrada. Ayon kay Priscilla, hindi niya alam na kasama si Janice sa “Be My Lady” nang unang tawagan siya ni Angge (whom she calls Tita A) at alukin na maging bahagi ng BML.

Nang tawagan siyang muli ni Angge, nag-sorry ito sa kanya dahil nakalimutan daw nitong sabihin na kasama rin sa cast si Janice.

Ani Priscilla, wala namang problema sa kanya magkatrabaho sila ni Janice. Joke pa niya, hindi naman siya ang ex-nito, kundi si John. Oo nga naman! “I guess, she’s (Janice) very professional,” sambit pa ni Priscilla. Wala rin namang problema kay Janice sa pagtatrabaho nila ni Priscilla. Otherwise, hindi niya tatanggapin ang project.

Magandang abangan ang mga kaganapan kapag nagkita sina Janice at Priscilla sa taping ng BML at magka-eksena pa sila.

Magkaroon kaya ng tension? Sino kaya ang unang mag-e-effort lumapit at bumati sa isa’t isa?

comments