Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Burol ni ‘Kuya’ Germs, star studded

Burol ni ‘Kuya’ Germs, star studded

kuya germs copy

May pamisa at pa-dinner mamayang 7 pm ang pamilya Vera-Perez para kay German “Kuya Germs” Moreno na ang labi’y nakahimlay sa Mount Carmel church, New Manila, QC. Ang mag-o-officiate ng mass ay si Bishop Soc Villegas.

Inaanyayahan ni Manay Ichu Vera-Perez-Maceda ang lahat ng showbiz and non-showbiz friends ni Kuya Germs at entertainment press para dumalo sa misa. Isang kapatid ang turing ng pamilya Vera-Perez kay Kuya Germs na nagsimula ang kanyang showbiz career sa Sampaguita Pictures na ang prodyuser ay ang yumaong ama nilang si Doc Jose Perez.

Ayon kay Manay Ichu, ang pamisa at pa-dinner ay gabi ng nostalgia at masayang pag-alaala sa maraming taong ginugol ni Kuya Germs sa bakuran ng Sampaguita Pictures. Isa na itong events place ngayon.

Binago ang buhay

Isa si Ken Chan sa mga alaga ni Kuya Germs na nasa St. Luke’s Hospital at nagbantay sa Master Showman hanggang nalagutan ito ng hininga. Ayon sa post ni Ken sa kanyang Instagram account, binago ng kanyang tatay (Kuya Germs) ang kanyang buhay. “Napakasuwerte ko na naging parte ako ng buhay mo. Masaya ako na nakasama kita sa iyong huling paghinga. Pahinga ka na Tatay…I am so proud of you! Idol kita! Mahal na mahal kita MASTER!”

Noong nabubuhay pa si Kuya Germs, sobrang proud siya kay Ken noong nabigyan ito ng big break ng GMA. Binigyan si Ken ng lead role sa “Destiny Rose” na maganda ang pagtanggap ng televiewers. Ratings-wise, umaalagwa ang naturang afternoon prime series ng Kapuso Network. Extended nga ito, kaya sobrang saya ng cast and staff.

Naipalabas na ang kissing scene nina Ken (Destiny) at Gabrielle (Fabio Ide) na anila, ginawa nila ‘yun bilang mga aktor. Pagkatapos ng take, parehas silang napa-“Wow!” Anila, bilang mga aktor, nakaka-satisfy na nagawa nila ang gano’ng klaseng eksena dahil sa totoong buhay ay mga tunay silang lalake.

By the way, sobrang thankful naman si Fabio sa birthday surprise sa kanyang cast and staff ng DR. December 26 ang birthday niya at noong nag-resume sila ng taping ng “Destiny Rose” pagkatapos ng Holiday Season, sinopresa siya ng co-workers niya sa set. Post ni Fabio sa kanyang Instagram account, “My Destiny Rose family never fails to amaze me.

Thank you so much for the birthday cake. You guys really surprised me talaga. Love you all!”

Tinakasan ang press?

Biglang nag-disappearing act si Alessandra de Rossi matapos ang open forum noong presscon ng “Wish I May.”

Hinahanap siya ng ilang entertainment writers para interbyuhin. Pero nowhere in sight na si Alessandra. Tinakasan ang press.

May iniiwasan kaya si Alessandra na itanong sa kanya ng press? Nang dumating kasi siya, agad tinanong siya ng isang entertainment writer tungkol sa kanyang lovelife.

“Wala! Ayoko muna,” maikling sabi ni Alex sabay alis at lumipat sa ibang table. Basta kasi tungkol sa kanyang lovelife ang tatanungin kay Alex, iwas-pusoy siya. Walang “mapipiga” sa kanya.

Sa pagkaalam namin, si Sid Lucero ang huling naging boyfriend ni Alex. Short-lived lang ang naging relasyon nila dahil natsikang diumano’y may third party involved. Diumano, si Mara Lopez (anak ni Isabel Lopez). No confirmation, no denial mula sa dalawa. Maski sa break-up nina Sid at Alex, pareho silang no talk.

Ayon sa isang entertainment writer, ang ex-boyfriend ni Alex na si Jeremy Marquez must be her greatest love. How true? Si Gwen Zamora ang karelasyon ngayon ni Jeremy na mukhang hahantong na sa kasalan.

By the way, Alex plays Loretta in “Wish I May.” Wife siya ni Andrew (Mark Herras). Kontrabida role si Alex na mang-aapi kay Carina (Bianca Umali). WIM premieres on January 18 after “Eat Bulaga” on GMA Afternoon Prime.

comments