Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Erich wagas na wagas makapulupot

Erich wagas na wagas makapulupot

Erich GonzalesERICH Gonzales

WAGAS na wagas kung makapulupot si Erich Gonzales sa braso ni Daniel Matsunaga noong nag-guest sila sa “Tonight with Boy Abunda.” Para bang any moment ay may mang-aagaw sa kanyang Brazilian-Japanese boyfriend. Para ring pinagdikit ng epoxy ang kanilang pagho-holding hands.

Sa obserbasyon namin, mas in love si Erich kay Daniel na aniya’y blessing sa kanya. Kilig-kiligan si Erich kay Daniel. Larawan siya ng isang babaeng sobrang in love.

Naipakilala na ni Erich si Daniel sa kanyang pamilya noong nagpunta sila sa Davao. Ani Daniel, boto ang pamilya ni Erich sa kanya. Sinabihan pa nga raw siya ng mommy ni Erich na pwede siyang bumalik kahit wala (o hindi niya kasama) si Erich. Puring-puri ni Daniel ang pamilya ng kanyang girlfriend. An’ya’y sobrang bait sa kanya ang mga ito.

Wala ring problema sa pamilya ni Daniel at botong-boto rin kay Erich ang kanyang mommy at kapatid na si Vanessa na nakapag-asawa ng isang Pinoy.

Ayon kina Erich at Daniel, never pa silang nagkaroon ng major fight dahil kapag may kaunti silang tampuhan o hindi pagkakaunawaan, agad nilang pinag-uusapan ’yun. Kahit pareho silang jealous type, going strong ang kanilang relasyon.

Malapit na ang kanilang first anniversary as sweethearts at balak nilang magpunta sa Alaska. Balak din nilang magpunta sa Brazil. Wala pa rin daw silang planong magpakasal.

Ibang level na

Ibang level na talaga ang kasikatan at kagandahan ng Kapuso tween star at talent ng GMA Artist Center na si Bianca Umali. Na-feature siya sa 9gag.com, isang kilalang website at social media platform.

Ayon kay Bianca, laking tuwa niya at sobrang saya siya noong nakita niya ang post tungkol sa kanya. Isa sa mga favorite sites niya ang 9gag.com. Ani Bianca, hindi siya makapaniwala, nasorpresa siya noong nakita niya ang mga picture niyang naka-post doon. May caption na: This 15-year-old girl got the beauty, but she also got talents and brain.”

Sa presscon nga ng “Wish I May,” halos nagkaisa sa kanilang komento ang entertainment writers tungkol kay Bianca.

Mai-push lang daw to the max ang career niya, malaki ang tsansa niyang maging big star ng Kapuso Network. She has a long way to go kung mamahalin niya ang kanyang trabaho.

Si Miguel Tanfelix ang kapartner ni Bianca sa “Wish I May” na mapapanood simula sa Lunes, Jan. 18, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Eat Bulaga.”

Nanalo

Sa “Destiny Rose,” very happy si Destiny (Ken Chan) sa balita ni Armani (Michael de Mesa) na nanalo sa isang award-giving body ang libro niya. Galit namang sinabi ni Lito (Joko Diaz) kina Daisy (Manilyn Reynes) at April (Sheena Halili) na gusto niyang makita si Joey.

Papayag sina Daisy at April.

comments