Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vi says Luis at 18 gave her a hard time

Vi says Luis at 18 gave her a hard time

angel vilma xian foto copy copy

REVELATION ang sinabi ni Governor Vilma Santos-Recto tungkol sa anak niyang si Luis Manzano noong presscon ng “Everything About Her (EAH).” Aniya, nagkaproblema siya noon kay Luis. Laking pasasalamat niya sa entertainment writers na walang bumira sa anak niya. Isinusumbong lang daw sa kanya ng mga malalapit na press-friends niya ang nalalaman ng mga ito tungkol kay Luis.

Ayon sa actress-politican, 18 or 19 years old noon si Luis at hindi alam kung ano’ng gusto nito sa buhay. Maybe because confused at that time si Luis. Maling barkada ang nasamahan noon ng kanyang anak. Ani Gov. Vi, hindi lang niya alam kung nag-drugs noon si Luis.

“Pero naka-survive ang anak ko with our guidance. I’m proud of him kung ano siya ngayon,” words to that effect na pahayag ni Gov. Vi.

Aniya pa, she can be a friend to her two sons (Luis and Ryan Christian). As a mother, kapag may nagawa ang mga ito na hindi niya nagustuhan, kinukumpiska niya ang kanilang cellphones.

Ipapamana ang mga alahas

Katabi ni Gov. Vi si Angel Locsin sa presscon ng EAH at tahimik lang ang huli sa mga narinig niya tungkol sa kanyang boyfriend. Ayon kay Gov. Vi, matagal na niyang kilala si Angel. Nalungkot daw siya noong naghiwalay sina Luis at Angel. Pero natuwa siya noong nagkabalikan ang mga ito.

Ayon pa kay Gov. Vi, kapag magkasama sila ni Angel sa bahay, normal lang sila pareho. “Isinasama siya ng anak ko sa bahay. Nanay lang ako ni Lucky (gano’n pa rin ang tawag niya kay Luis). Pero kapag nasa set kami ng pelikula (EAH), pareho kaming artista ni Gel,” pahayag ni Gov. Vi.

Ayon naman kay Angel, sobrang starstruck siya kay Gov. Vi. Suwerte raw siya na nakatrabaho niya ito. Marami siyang natutunan tungkol sa personal na buhay at career. Tita Vi o Gov. Vi kung tawagin ni Angel ang kanyang future mother-in-law.

May nagtanong kay Gov. Vi kung handa ba niyang ipamana ang kanyang mga alahas kay Angel, since wala naman siyang anak na babae. “Why not?” mabilis na sagot ni Gov. “Pero hindi kaya, mas marami pa siyang alahas kesa sa akin (laughs)?”

Emotional

Kasama si Xian Lim sa “Everything About Her” at teary-eyed at naging emotional ang Kapamilya actor sa mga narinig niyang papuri nina Gov. Vi at Angel tungkol sa kanya. Ipinagtanggol pa siya ng mga ito sa kanyang bashers.

Aware pareho sina Gov. Vi at Angel sa negative comments tungkol sa acting ni Xian. Ayon kay Gov. Vi, kapag napanood si Xian sa “Everything About Her,” maipagmamalaki ito. “Meron siyang pupuntahan,” ani Gov. Vi.

“Very serious siya sa kanyang trabaho. Pinag-aaralan niya ang kanyang character. Noong una, hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach. I’m telling you, he is very educated, well bred.”

Sinang-ayunan ni Angel ang kanyang future mother-in-law. Aniya, unfair kay Xian ang comments ng bashers. Naawa siya kay Xian. “Noong una, natakot akong katrabaho siya dahil sa mga nababasa ko tungkol sa kanya. Pero nakita kong ginagawa niya lahat ng makakaya niya para maibigay ang tamang acting na kailangan sa eksena,” saad ni Angel.

“I’m proud and thankful na kasama ako sa project. Feeling ko, nasa langit ako na nabigyan ako ng chance makatrabaho sina Tita Vi at Angel,” pahayag ni Xian.

Nagsilbing malaking challenge sa kanya ang mga negative comments ng bashers at pambibira ng ilang entertainment writers sa kanyang akting. Sa halip na magalit o magtanim ng sama ng loob, pinasalamatan pa ni Xian ang mga bumatikos sa kanya. Naniniwala siyang good or bad, publicity is still publicity.

May sex video scandal?

Kontrobersiyal ngayon si Jeric Gonzales dahil sa diumano’y kinasasangkutan niyang sex video scandal. Ayon sa mga nakapanood nito, more than 3 minutes ito.

May mga nagdududang baka raw kahawig lang ni Jeric ang lalaking nasa video. Ayon sa tsikang nakarating sa amin, itinanggi ni Jeric sa isang taong malapit sa kanya na siya ang nasa video. Tinawanan lang daw ni Jeric ang lumabas na sex video scandal.

But how true na nag-sorry naman daw si Jeric sa kanyang dating manager kaugnay ng lumabas na sex video scandal?

Si Jeric ang gumaganap na Vince sa “Destiny Rose” na good friend ni Joey/Destiny (Ken Chan). Makaapekto kaya sa career ni Jeric ang diumano’y sex video scandal niya? O, makatulong pa ito para magkaroon ng awareness ang publiko sa Kapuso actor at talent ng GMA Artist Center?

Samantala, extended ang “Destiny Rose” dahil sa magandang pagtanggap ng televiewers . Consistent din ito sa pagiging top-rating show ng GMA sa afternoon block.

Paigting nang paigting ang mga kaganapan sa DR. Kailan kaya ipagtatapat ni Destiny sa ama niyang si Lito (Joko Diaz) na siya ang nawawala nitong anak na si Joey? Ramdam pa rin kasi ni Destiny na galit pa rin ang kanyang ama sa baklang anak nito (Joey).

comments